Gorgeous wedding gown ni Ara Mina, usap-usapan!

Gorgeous wedding gown ni Ara Mina, usap-usapan!


Iba-ibang celebrities ang hinahangaan pag dating sa inspiration ng wedding gown. Mula sa gown ni Rochelle Panganiban, Marian Rivera, Kaye Abad, Dra. V

Kilig! Ruru Madrid’s “My-hal” comment on Bianca’s IG heats up the cold air this love month.
Kilalang child star na si Makisig Morales, nahanap na ang ‘forever’ sa isang beauty queen!
Mariel Padilla, sinagot ang isyung bakit hindi Mama ang tawag sa kanya ng mga anak ni Robin Padilla sa dati nitong asawa.

Iba-ibang celebrities ang hinahangaan pag dating sa inspiration ng wedding gown. Mula sa gown ni Rochelle Panganiban, Marian Rivera, Kaye Abad, Dra. Vicky Belo, ngayon ay idagdag na sa listahan ang bonggang wedding gown ni Ara Mina.

Nitong miyerkules ay kinasal si Ara Mina sa nobyo nitong si Dave Almarinez sa Baguio City. Maliban sa ganda ng simbahan, reception at wedding cake ay isa sa pinaka agaw pansin ay ang mala-prinsesang wedding gown ni Ara Mina.

Umpisa pa lamang ay bumaba na ang mga luha at puno ng emosyon ang kasalan. Nagsilbing little bride naman ang anak ni Ara Mina na si Amanda Gabrielle Meneses at naglakad papuntang altar at niyakap ang kaniyang step father na si Dave. Maski si Ara Mina ay nagsimulang lumuha sa paglalakad papuntang altar.

WATCH: Ara Mina is a stunning bride in queen-inspired gown on wedding day |  ABS-CBN News

Star-studded naman ang mga ninong at ninang nila Ara Mina sa kanilang kasal dahil mga kilalang artista at personalidad ang mga ito. Kabilan sa mga ito ay si Senator Christopher Lawrence “Bong Go”, Richard Gordon, Ralph Recto at ang asawang si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto, dating Senate President Manny Villar Jr. at ang asawang si Senator Cynthia Villar, Ever Bilena owner Mr. Dioceldo Sy.,  Trade Secretary Ramon Lopez, at Glicerio Santos Jr.

Kabilang rin sa principal sponsors sina Atty. Roy Almoro, Reality Films producer Dondon Monteverde, San Pedro Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, Robinsons Retail Holdings president Mrs. Robina Gokongwei-Pe, Viva Films producer Vic del Rosario Jr. Dr. Milagros Ong-How, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidades, Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, GMA Executive Redgie Magno, Emelda Teng at Jocelyn Lim Chiong.

Dinisenyo ni Leo Almodal ang napakagandang wedding gown ni Ara Mina na puno ng Swarovski crystals. Ang napakagandang wedding gown na ito ay niregalo lamang ng kanyang mga kapatid na si Heidi Gatmaytan at Christine Reyes. Nais lamang ng mga ito na masuot ng kanilang ate ang pinakapinapangarap nitong wedding dress. Walang duda na abot-langit ang saya ng bagong mag-asawa.

COMMENTS