Kompetisyon sa pagrerelax at paggawa ng wala? Meron niyan sa South Korea!

Kompetisyon sa pagrerelax at paggawa ng wala? Meron niyan sa South Korea!


Bet na bet mo bang tumambay at tumingala sa kawalan? Nauubos mo ba ang isang araw nang walang ginagawa? Kung gayon, tara na’t lumipad patungong South

Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon.
Glaiza De Castro on Valentine’s Day with her Irish fiancé, “Normal lang siguro.”
Ala-paperdoll ang asawa ng misis na ito, matapos gamitin itong ‘mannequin’ para sa panindang damit online.

Bet na bet mo bang tumambay at tumingala sa kawalan? Nauubos mo ba ang isang araw nang walang ginagawa? Kung gayon, tara na’t lumipad patungong South Korea!

May be an image of one or more people, outdoors and tree

Nagviral ang kompetisyon na ito sa South Korea dahil nagbibigay sila ng award sa taong walang ginagawa. Ang kompetisyon na ito ay tinatawag na ‘Space Out’ at kinakailangan mong magrelax at mapanatili na stable ang iyong heart rate sa loob ng 90 minutes. Ang taong may pinaka mababa at stable na heart rate sa loob ng oras na iyon ay ang mananalo. Kaya naman ay hindi ka dapat magisip ng problema at mga gawain na kinakailangan gawin o kaya naman ay magisip ng exciting na bagay sa mga sandali na ito dahil maaari nitong maapektuhan ang iyong heart rate.

May be an image of 1 person, standing, flower, outdoors and tree

Ang paligsahan ay ginaganap sa “healing forests” sa southern Jeju Island. Ang lugar na ito ay mayroong “therapeutic effects” umano kaya naman madalas dito isinasagawa ang mga therapeutic programs sa bansa ayon sa The Independent.

Kaya naman kung bagot na bagot ka na sa bahay sa madalas na lockdown ay magandang sumali sa contest na ito. Subalit ito ay annually o once a year lamang isinasagawa. Ang layunin sa contest na ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Koreano na magrelax mula sa high-paced na pamumuhay nila sa syudad. Ito ay binuo ng South Korean artist na si Woopsyang noong 2014.

May be an image of 1 person, standing and outdoors

Noong 2020 ay dahil sa nabalot ang buong mundo ng pandemya ay isinagawa ang contest na ito, online. Subalit nitong 2021 ay ibinalik nila sa forest ang paligsahan, ngunit naka PPE ang lahat ng sasali. Sa katunayan, maganda ang ganitong exercise na pagmemeditate sa panahon ngayon. Pagbabahagi ni Shin Dong-won, isang clinical psychiatrist sa Kangbuk Samsung Hospital sa Seoul, kinakailangan ng ating mga utak ng mental rest mula sa mga nararamdaman natin na anxiety o pagkabalisa dahil sa dinaranas na pandemya. May mga hindi maiwasan na pagaalala at takot ang ating nararamdaman dahil sa nakakahawang sakit na ito. Mainam na mapanatili natin ang ating mental health sa pagbibibgay ng oras para sa ating sarili na magrelax at magmedidate.

COMMENTS