Nagpadala ang isang Grab Rider ng cake at prutas sa kanyang customer matapos nito mabuhos ang idedeliver na drink.

Nagpadala ang isang Grab Rider ng cake at prutas sa kanyang customer matapos nito mabuhos ang idedeliver na drink.


Likas na nakakagawa tayo ng pagkakamali bagamat alam na natin na posibleng mangyari ang mga ito. Hindi rin maiwasan na mayroong mga araw na sadyang hi

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.
Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition
Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.

Likas na nakakagawa tayo ng pagkakamali bagamat alam na natin na posibleng mangyari ang mga ito. Hindi rin maiwasan na mayroong mga araw na sadyang hindi maganda. Gayun na rin marahil ang nangyari sa isang Grab rider na hindi naideliver ang drink na inorder ng customer.

Excited na excited umano ang customer na si Linda Latip na magorder ng kanyang favorite drink mula sa Starbucks 101 Mall, Putrajaya, Malaysia. Dali-dali nitong inorder ang drink sa Grab ay inantay ang pagdating ng kanyang order.

Lumipas ang ilang oras ay dumating na sa wakas ang kanyang order at napansin nitong late ang Grab rider na magdeliver nito. Sa mga sandaling iyo ay pinagkibit-balikat na lamang niya ito dahil excited na itong inumin ang inorder na drink. Sa pagbukas pa lamang nito ng pinto ay agad na humingi ng pasensya ang rider sa kaniya.

Nagpakilala ang Grab driver bilang si ‘Meor’ ay agad na humingi ng pasensya dahil natapon umano ang inorder nitong drink habang nasa byahe. Sa katunayan, ay balak pa nito bilhan ng bagong drink si Linda at nagabot pa ng pera ngunit hindi nito ito tinanggap. Pagku-kuwento ni Linda sa World of Buzz, As soon as he saw me, he immediately apologized and asked me for permission to buy a new one for me. I declined but he insisted and even offered me money.”

Matapos ang insidenteng iyon ay nagpasya pa rin si Linda na bigyan ng 5 stars ang rider sa Grab app. Sa sumunod na araw, ay isang hindi inaasahang surpresa ang nakita nito sa kanyang bahay. Mayroong isang plastic bag na naglalaman ng kek lapis Sarawak (Malaysian layer cake) at manga. Mayroon rin itong iniwan na sulat sa loob. Assalamualaikum Kak, I am the GrabRider from yesterday. I am Meor. I feel very guilty for delivering your order to you till it had spilled. Here are some kueh and fruits, sincerely from my heart. You have a noble heart.”

Ibinahagi ni Linda ang pangyayari sa kanyang Instagram at ine-encourage ang lahat na palaging magbigay ng full star rating. Kung hindi naman satisfied ay mas mainam na huwag nang magbigay ng rating dahil nakakaapekto ito sa kita ng mga riders. Always give them a full star rating or any kind of review but if you are upset, then just don’t rate them. Want to complain? Go via DM or WhatsApp or speak face-to-face. Don’t leave a bad rating at a place that would affect their income.”

Sila’y tulad rin natin na nagsisikap kumite para sa kanilang ikinabubuhay kaya naman ay marapat lamang na tratuhin natin sila ng may respeto at pagunawa.

COMMENTS