Bilyonaryong napapabalitang nobyo ng actress na si Sue Ramirez, kilalanin!

Bilyonaryong napapabalitang nobyo ng actress na si Sue Ramirez, kilalanin!


Mula sa pamilya ng negosyante at politiko ang nobyo ni Sue Ramirez na si Javi Benitez. Siya’y anak ng kilalang politiko na si Alfredo “Albee” Benitez

Lola na nangongolekta ng seafood sa dagat, pursigido dahil sa anak nitong may sakit.
Kilig Story sa Tinder: British, lumipad pa-Malaysia para pakasalan ang babaeng nakilala sa ‘Dating App’.
Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.

Mula sa pamilya ng negosyante at politiko ang nobyo ni Sue Ramirez na si Javi Benitez. Siya’y anak ng kilalang politiko na si Alfredo “Albee” Benitez na consultant ng provincial government ng Negros Occidental.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

Si Javier Lopez Benitez or mas kilala bilang si Javi Benitez ay ipinanganal noong ika-8 ng Oktubre 1994 sa Quezon City. Aktibo din ito sa kanyang social media at kasalukuyang nagkalikom ng 48K followers sa Instagram. Bagamat mula sa negosyanteng pamilya ay pinili ni Javi ang mundo ng showbiz at nakabilang sa sports-themed show ng studio 23 na ‘Sports Kid’.

Panandaliang nawala sa showbiz si Javi dahil pinili nitong ibuhos ang oras sa pagaaral. Noong taong 2016 ay bumalik ito sa tv segment na ANC’s Game Changer. Di kalaunan ay kabilang na ito sa mga talents ng kapamilya network. Isa si Javi sa mga actor sa teleseryeng pinagbidahan ni “Angel Locsin” na ‘The General’s Daughter’. Sa palabas na iyon, ay isang businessman ang role ni Javi. Bukod pa rito ay nabigyan ng pagkakataon si Javi na bumida sa sarili nitong pelikula na “Kid Alpha One”.

Chairman ang ama ni Javi ng Leisure & Resorts World Corp., at ang nagmamay-ari ng Brightlight Productions na tinatayang may multi-million dollar deal sa GMA. Kaya naman hindi lamang pagaacting ang source of income ni Javi dahil may ginagampanan din itong role sa kumpanya ng kanyang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)

Dumating ang pagkakataon na naghahanap si Javi ng leading lady para sa pelikula na ginagawa ng Brightlight productions. Isang kaibigan umano ang nagrefer kay Sue Ramirez subalit dahil sa busy ang aktres ay nagpasya si Javi na puntahan ito sa concert nito. Kalaunan ay nauwi sa pagiibigan ang dalawa, na inamin nila sa publiko noong August 2020. Ayon sa dalawa, hindi naman nito dineny ito. Ayon kay Javi, “Hindi kami nag-deny. Kasi ‘pag totoo, tsaka mahal mo yung tao, kailangan sabihin mo sa mundo.”

COMMENTS