P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.

P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.


Isang magandang katangian ang pagiging masinop sa pera lalo na’t hindi madaling kumita ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman kung tutuusin ay kinaka

Ingleserong pulubi noon, namimigay na ng pagkain sa street dwellers ngayon.
A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.

Isang magandang katangian ang pagiging masinop sa pera lalo na’t hindi madaling kumita ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman kung tutuusin ay kinakailangan nang tanggalin ang mga bisyo o mga pinaggagastusan na hindi naman kinakailangan. Makabubuti kung magiging wais tayo sa paggamit ng pera at kung may sobra ay mas mainam na patubuin ito.

Sa katunayan, may isang OFW ang nakaipon ng halos 1 Milyon piso dahil sa pagtigil nito sa paninigarilyo at paglalaro ng online games. Hindi rin biro ang mga nagagastos sa mga online games lalo na kung nakakapagbigay ito ng kasiyahan. Mas pinili rin nitong magdiet na siyang nakatipid sa kayang gastusin.

Ito si Neil Ryan Lorenzo, na mas piniling ayusin ang kanyang paraan ng paghawak ng pera. Sa loob ng tatlo at kalahating taon ay itinatabi ni Neil ang sobra sa kanyang sahod at pangangailangan sa isang kahon. Napanatili niya ang kanyang pagiipon hanggang sa nakasanayan na niya ito. Dumating ang panahon ay binilang na ni Neil ang laman ng kanyang kahon na nagsilbing alkansya. Laking gulat nito na umabot pala sa halos isang milyon ang halaga ng kanyang naipon.

Ibinahagi nito ang kwento sa isang Facebook Page na Peso Sense, ang kanyang karanasan sa paghawak ng pera. Nagkaroon umano ng iba’t ibang hamon sa buhay ni Neil at nang mapagdesisyunan nito na magipon at magdiet ay nagbago ang kanyang buhay. Bukod sa nakaipon ito ng malaking halaga ay nagkamit din ni Neil ang malusog at magandang pangangatawan. Proud ito sa sarili dahil nagawa nitong tanggalin ang luho at bisyo sa pamamagitan ng disiplina at motivation na ginawa para sa sarili.

Ibinahagi ni Neil ang kanyang kwento upang magsilbing inspirasyon sa iba pa nating kababayan na nahihirapan humawak ng pera. Maliban rito ay tumutulong rin si Neil sa kanyang pamilya at nais nitong magdonate ng parte ng kanyang naipon sa simbahan.

COMMENTS