Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.

Natustusan ng isang binatilyo ang kanyang pagaaral sa pagiging jeepney driver noon.


Hindi madaling kumita ng pera ngunit sa sandali na hawak na natin ito ay sadyang mabiling mawala. Kaya naman ay kinakailangan ng patuloy na pagsisikap

Rita Gaviola na mas kilalang si Badjao Girl, mas maganda ng ang buhay ngayon.
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Filipino who used to work as a janitor, now owns a restaurant in Australia.

Hindi madaling kumita ng pera ngunit sa sandali na hawak na natin ito ay sadyang mabiling mawala. Kaya naman ay kinakailangan ng patuloy na pagsisikap at pagtitiyaga upang kumita para sa araw-araw na pangangailangan. Sa kalagayan ni Marvin Padilla Daludado, isang malaking balakid ang kahirapan upang maabot ang kanyang mga pangarap. Sadyang kulang ang kinikita ng magulang ni Marvin kaya naman ay nagdesisyon itong magworking student upang mapagpatuloy ang pagaaral.

Sa katunayan, kahanga-hanga na talagang pinagpatuloy ni Marvin ang kanyang pagaaral dahil ilan sa kabataan na nagtatrabaho ay nagpatuloy na lamang ang paghahanap-buhay. Aminado si Marvin na tutol noong ang mga magulang nito sa planong pagdyi-jeepney driver nito dahil bata pa lamang ito. Subalit sadyang hikahos ang pamilya nila at determinado itong maitawid ang pangpapaaral kaya naman pumayag rin ang mga ito.

Nung una ayaw pa nun ng mga magulang ko mamasada ako kasi sobrang totoy ko pa nun. Yung tipong hinahanap ng pasahero kung nasaan yung driver dahil di nila ako makita at yung iba na matatanda natatakot at tinatanong kung marunong daw ba talaga ako mag-drive.” Pagkukuwento ni Marvin.

Naging biyaya pa ang pamamasada ni Marvin dahil nakakapag-abot pa ito ng pera sa kanyang mga magulang, ibinabawas na lamang nito ang gastusin para sa kanyang pagaaral.

Yung hindi ko paghingi ng baon sa aking mga magulang at mga gastusin sa school like projects ay malaking tulong na para sa kanila at pag may sumobra pa sa aking kita ay sinasagot ko yung ibang tuition fee ko dahil di lang naman ako yung pinag-aaral ng mga magulang ko,” pagdaragdag ni Marvin.

Umaga pa lamang ay bumabyahe na umano si Marvin bago pumasok sa 8am nitong klase, at babyahe ulit sa hapon kung may gastusin na kailangan para sa kanyang mga proyekto sa eskwelahan. Pagbabahagi ni Marvin, “5 a.m. ay bumabyahe na ako para may pambaon dahil may pasok pa ako ng 8 a.m. At pag sinipag-sipag at pag may school projects na kailangan pagkagastusan pagkagaling sa school ay pumapasada pa rin ako dahil kailangan.”

Limang taon rin nagtrabaho bilang jeepney driver si Marvin simula noong 17 years old pa lamang ito. Sa awa ng Diyos, ang pagsisikap ni Marvin ay nagdulot upang makapagtapos ito sa kanyang kursong Bachelor of Science in Information Technology sa University of the East sa Caloocan. Pasasalamat ni Marvin, “Graduate na ako pati sa pagiging jeepney driver salamat sa mga naging pamasahe nyo.”

 

COMMENTS