Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.

Pagiibigang nagsimula sa paghiram ng ‘tabo’, viral sa social media.


Viral sa social media ang kwento ng magasawang sina Jolo Argales, 31, at Rain Capuyan Argales, 30 years old. Kamakailan ay nagpost ang dalawa ng kanil

Lalaking iisa ang paa, pinabilib at naka one-on-one pa ang Pinoy Sakuragi na si Mark Pingris.
Isang Guro, patok ang naisipang negosyo na bunga ng hilig nito sa kape.
Batang Pinoy na nagpakitang gilas sa America’s Got Talent, malayo raw ang mararating.

Viral sa social media ang kwento ng magasawang sina Jolo Argales, 31, at Rain Capuyan Argales, 30 years old. Kamakailan ay nagpost ang dalawa ng kanilang kwento sa facebook matapos nilang ibahagi ang kanilang wedding photo. Kasama rito ay naikwento nila kung papaano nagsimula ang kanilang love story na siyang kinagiliwan naman ng mga netizens sa social media.

Nagsimula umano ang lahat 9 years ago, sa isang di inaasahang pagkakataon. Nagtatrabaho ang dalawa sa Cebu bagamat pareho silang taga-Leyte. Si Jolo ay nagtatrabaho sa isang restaurant habang si Rain naman ay nagtatrabaho sa isang business process outsourcing (BPO) company.

Nabanggit umano ng roommate ni Rain sa kaniya na modelo raw sa Cebu ang pinsan ni Jolo. Maliban sa kinakailangan nila ng tabo dahil bagong lipat lamang sila ay curious rin umano ito na makita ang sinasabing ‘modelo’ na kasama nila sa boarding house. Kaya naman ay lakas loob itong kumatok sa unit nila Jolo at humiran ng ‘tabo’. Dito niya unang nakilala si Jolo at inakala rin ni Rain na ito ang ‘modelong’ nakatira sa boarding house nila.

Samakatuwid, nauwi rin sa ligawan ang dalawa lalo na’t panay umano ang kantyaw ng roommate ni Rain sa kaniya at kay Jolo. Aminado si Rain na hindi ‘love at first sight’ ang pangyayari sa kaniya ngunit nang makilala nito ng mabuti si Jolo ay nahulog ang loob nito sa kaniya.

Ngayon, isang sterilization technician na si Jolo sa isang hospital at isa namang supervisor si Rain sa BPO company na dati nitong pinagtatrabahuan. Kinasal ang dalawa ng civil wedding noong June 16, at walang batid ang tuwa at ngiti ng dalawa. Nais rin nilang magkaroon ng church wedding sa darating na taong 2023. Biniyayaan naman ang magasawa ng dalawang anak at kasalukuyang buntis si Rain sa kanilang pangatlong supling. Sadyang nakakakilig ang kwento nila Rain na tila nagsimula sa hindi inaasahang pagkakataon.

COMMENTS