Julia Montes Nakaramdam nga ba ng inggit sa pagsikat ni Kathryn Bernardo

Julia Montes Nakaramdam nga ba ng inggit sa pagsikat ni Kathryn Bernardo


Isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa industriya ng showbiz ay si Kathryn Bernardo. Siya ay dating miyembro ng going bulilit kung saan dun din

Kathryn Bernardo, ini-reveal ang kanyang sekreto sa pagpapanatili ng kanyang fit body.
Filipino Soap Operas that became popular in Southeast Asia
Loyal Kapamilya Stars who have been with ABS-CBN for decades

Isa sa may pinakamagandang mukha ngayon sa industriya ng showbiz ay si Kathryn Bernardo.

Siya ay dating miyembro ng going bulilit kung saan dun din nagmula ang kaibigang si Julia Montes.

Ngayon nga ay napapabalita na si Julia Montes ay naiinggit sa kaibigan dahil sa tinatamasa nitong kasikatan at kali-kaliwang mga proyekto.

Ngunit itoy sinagot naman ni Julia Montes na Never daw siyang nakaramdam ng inggit para sa kaibigan bagkus masaya pa nga daw siya sa kung ano nang narating nito.

Super successful nga daw ng buhay artista ni Kathyrn Bernardo ngayon pati narin pagdating sa pagnenegosyo kaya super proud daw si Julia sa kaibigan. Hindi nga daw akalain na aabot sa ganitong kasikatan si kathryn. Bata pa lang sila ay talagang closed na daw sila at mananatili daw itong solid kahit na hindi na sila ganun nagkakasama.

Maaalala na si Julia Montes at Kathyrn Bernardo ay nagsama sa remake ng classic kapamilya series na “Mara Clara” kung saan pareho nilang nagampanan ng maayos ang kani kanilang role at talagang pumatok at sinubaybayan ng mga manunuod.

Ayon pa kay Julia Montes ay lalo sila naging closed ni kathryn ng gawin nga nila ang remake ng “Mara Clara” inilarawan pa nga niya ang kanilang samahan bilang first and perfect love team”.

“Actually, ang dating sa akin, it’s meant for me to be with Kath nu’ng panahon na ‘yun kasi nag-work kami together dahil hindi kami nagkakitaan ng, ‘Dapat ako ‘yan, eh,’ or, ‘Dapat mas ako sa kanya.’

“And that’s our magic. Eh, lagi nga namin sinasabi, kami ang first and perfect love team,” saad pa ni julia.

Hindi lang din daw basta kaibigan ang turing ni Julia Montes kay kathryn kundi para nadin daw talagang kapatid. Na sa tuwing makikita daw niya si kathryn ay sobrang proud daw siya dito at lagi lang daw siya nasa tabi ni kath na kahit sa ups and downs nito sasamahan daw niya si kath kahit hindi daw siya laging present sa mga ganap nito ngayon ay lagi daw siyang nandiyan para sa kaibigan.

Ngayon nga ay itinuturing nang isa sa biggest star of the philippines showbiz si Kathryn Bernardo at ang boyfriend nitong si Daniel Padilla na talagang nagpapakilig sa mga fans nila. Patok na patok ang tambalang kathniel lalo nat bagay na bagay talaga ang tambalan ng dalawa. Super proud naman si Julia Montes para sa dalawa at siya nga daw ang number one supporter ng mga ito.

Ayun naman sa panayam kay Kathryn Bernardo nagpapasalamat umano siya at mayroon siyang kaibigan na katulad ni Julia Montes. Napaka swerte nga daw niya at si Julia ang nakasama niya sapagkat wala pa siyang ka loveteam noon atlist daw ay mayroon siyang kasama na magadjust sa ganung mundo (industriya) at malapit pa daw niyang kaibigan.

Sa ngayon nga ay marami paring fans ng dalawa ang patuloy na umaasa na sana ay magkaroon ulit ng proyekto ang dalawa.

 

COMMENTS