Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.

Tatlong pulis ang tumulong sa isang babae na naabutan ng panganganak sa daan.


Hindi lang mga Ninuno nating katulad nila Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa ang matatawag na bayani. Sapagkat maging simpleng mamamayan ay pweden

Netizen na tumulong sa isang Lolo sa ATM nito, umani ng papuri sa social media.
Ivana Alawi sets up a surprise of P10,000 cash and helmets to delivery riders.
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.

Hindi lang mga Ninuno nating katulad nila Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa ang matatawag na bayani. Sapagkat maging simpleng mamamayan ay pwedeng pwede matawag na bayani ayon sa kaniyang ginawang kabutihan sa kapwa.

Nito nga lang ay tatlong opisyal ng pulisya ang naiulat sa pahayagan ng Manila Bulletin dahil sa ginawang kabayanihan at kabutihan ng mga ito sa sa isang ina na inabutan ng panganganak sa daan.

Labis nga silang kinapurihan ng publiko lalo na ng hepe ng Philippine National Police o (PNP) dahil sa ginawang pagtulong ng mga ito sa taong lubos na nangangailangan ng tulong.

Ang tatlong patrolmen ay sina Rico Yan Inocencio, Vingie Nebit at si Roman Paja na nakadestino sa Iloilo City Police Office (ICPO).

Sila ay kasalukuyang nakaduty sa Jaro Plaza ng mga sandaling iyon ng makita nila ang isang 27 taon na babae na nangangailangan ng tulong. Walang atubili naman nila itong tinulungan.

Ngunit hindi pa nakakarating sa hospital ay napaanak na ang babae. Pansamantala nga silang tumigil sa lugar kung saan naroon ang mga nakapilang tao upang magpamasahe at humingi ng serbisyo sa mga bulag na mga masahista. Matiyaga nilang inantay na mailabas ng maayos ng babae ang sanggol.

Hindi nga iniwan ng tatlong patrolmen ang babae lalo nat napag alaman nilang may problema pala ito sa kaniyang pagiisip. Hinatid nga nila ito sa West Visayan State University of medical center.

Ang tatlong pulis nading ito ang gumastos sa ilang pangangailangan ng bata paglabas katulad ng diaper at gatas. Walang atubili nila itong tinulungan gamit mismo ang kani kanilang mga pera.

Wala din umanong umaakong ama sa bata kaya ayon sa patrolmen na si Nebit ay handa siyang ampunin kung sakali ang bata.

Labis naman ang pasasalamat ni PNP chief police general guillermo Lorenzo Eleazar sa tatlong patrolmen sa mabilis na pagresponde sa babaeng ito. Saludo umano siya sa tatlo.

COMMENTS