Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.

Ang nakakainspire na kwento ng OFW na nagsimula bilang yaya na ngayo’y isa nang abogado.


Marami sa atin ang tila nakalimutan na ang mga pangarap dahil sa mga suliranin na dumarating sa buhay. Subalit sa bawat pagsisikap ay naibabalik pa ri

Ina na iginagapang ang buhay at nakatira sa sira-sirang bahay kubo, nakatanggap ng tulong mula sa isang vlogger.
Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon!
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.

Marami sa atin ang tila nakalimutan na ang mga pangarap dahil sa mga suliranin na dumarating sa buhay. Subalit sa bawat pagsisikap ay naibabalik pa rin tayo sa tamang landas at nabibigyan ng pagkakataong tuparin ang mga ito. Gayun na lamang ang kwento ni Chona Abiertas, na buong tapang na hinarap ang bawat hamon sa buhay upang maabot ang mga pinapangarap.

 

Office Management ang tinapos ni Chona ngunit abogasya ang pangarap niya maging. Subalit nang dahil sa kakapusan ng pera ay nagpasya itong magpalit ng kurso upang makapagtapos ng kolehiyo. Isang oportunidad ang nagpresinta kay Chona na makapagtrabaho bilang Domestic Helper sa Barcelona. Sa una ay plano nitong magtrabaho ng panandalian sa Barcelona at gamitin ito upang makakuha ng trabaho sa United States.

 

Sa panahong iyon, ay tourist visa lamang ang meron si Chona at tinalikuran ito ng abogadong hinihingan nito ng tulong. Dito nagsimula ang determinasyon ni Chona na maging abogado at tumulong sa mga kapwa Pilipino sa Espanya ukol sa mga legal issues na kinakaharap ng mga ito. Nang maayos na ni Chona ang papeles niya sa Espanya ay patuloy ang pagtatrabaho niya bilang Domestic Helper upang matustusan ang pagaaral ng kanyang mga kapatid at kanyang anak. Naging malapit siya sa alaga niya na kasing edad ng kanyang anak, at mabait ang kanyang amo sa kaniya. Dahil rito ay nairekomenda siya sa isang abogado na nangangailangan ng sekretarya. Nang makita ng kanyang bagong amo ang kanyang kasipagan at talino ay nagpasya itong pagaralin si Chona sa University of Barcelona.

 

Bagamat hirap sa pagaaral lalo na’t Catalan ang lenguahe ay sinikap pa rin ni Chona na makapagtapos. Ang Catalan ay lenguahe na ginagamit sa Barcelona at ito’y may halong Spanish at French language. Gamit ang kanyang napagaralan na Spanish sa kanyang highschool ay nagawa pa rin nitong matutunan ang lenguahe at makapagtapos ng abogasya.

 

Kasalukuyang naninirahan na sa Espanya ang pamilya ni Chona at mayroon na siyang itinayo na CAT (Chona Abiertas Tenorio) law firm na may dalawang branches sa Espanya. Tunay na kahanga-hanga ang naging buhay ni Chona. Importante na maging matapang tayong harapin ang bawat oportunidad na sasalubong sa atin.

COMMENTS