Pulubing iniwang hubo’t hubad sa tabi ng kalsada, pinagmalasakitan ng magasawang may mabuting puso.

Pulubing iniwang hubo’t hubad sa tabi ng kalsada, pinagmalasakitan ng magasawang may mabuting puso.


Sa kalagitnaan ng pandemya ay mas lalong lumaganap ang kahirapan. Hindi rin maiwasan na mayroon tayong mga kababayan na nahulog sa sinasabing ‘extreme

Doktor, pinasakay ang isang matandang naglalakad mula pampanga hanggang Quezon.
Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.
Pinamigay na ayuda ni Ivana Alawi umabot sa 1.3 Million.

Sa kalagitnaan ng pandemya ay mas lalong lumaganap ang kahirapan. Hindi rin maiwasan na mayroon tayong mga kababayan na nahulog sa sinasabing ‘extreme poverty’ o malubhang kahirapan. Kaya naman ay iba ay nalalagay sa kalunos-lunos na kalagayan at masasabing nawawalan na ng pag-asa.

Sa kabilang banda, mayroon pa rin tayong mga kababayan na hindi nagdadalawang isip na tumulong sa kapwa kahit sa simpleng paraan lamang. Isa na rito ang magasawang si LJ at Wilfredo Adop na sinikap mabilhan ng damit ang isang pulubing hubo’t hubad sa gilid ng daan. Nakita umano ng magasawa na kinukutya at pinagtatawanan ang isang pulubing walang saplot na nakahiga sa sidewalk.

“Nung pagbalik po namin saktong nakita ko po si Tatay sa may Caloocan Sports Complex na banda po, nakahubad Nakita ko pinagtatawanan ng mga tao eh.”

Nakaramdam umano ng awa ang mag-asawa at walang pagaalinlangan na binilhan ito ng damit at pagkain. Nang makabili na ang magasawa ay tinulungan pa ito ni Wilfredo na magbihis. “Sinuotan ko siya, kumapit siya sa dalawang balikat ko. Hindi ko na din naisip ‘yung virus virus, naawa kasi ako kay tatay”, paglilinaw ni Wilfredo.

Ibinahagi ni LJ sa kanyang facebook account ang pangyayari na ito upang makapagbigay paalala sa ating mga kababayan na magtulungan sa gitna ng kinakaharap na pandemya. Hindi man naikwento ng magasawa ang kwento sa likod ng nangyari sa matanda ngunit makikita na salat ito sa buhay at talagang nasa kaawa-awang kalagayan. Umani naman ng maraming papuri at pagpugay ang mag-asawa dahil sa kabutihan na ipinakita nila sa matanda.

Tila nakakalimutan na ng ibang tao na tumulong at magmalasakit sa kapwa ngayong sumasailalim sa matinding pagsubok ang buong mundo ngayong pandemya. Kaya naman ay isang mainam na paalala ang kwentong ibinahagi ni LJ sa kanyang facebook account. Mas lalong papalarin ang taong matulungin, kaya naman ay magsilbi nawa itong aral at inspirasyon sa atin.

COMMENTS