Wowowee dancer noon, ngayo’y Multi-Millionaire businesswoman na!

Wowowee dancer noon, ngayo’y Multi-Millionaire businesswoman na!


Sa bawat tagumpay na nararating ay hindi maiwasang tingnan ang nakaraan. Doon mas lalong nakikita ang pagod at hirap na binigay ng isang tao upang mak

Celebrity Dingdong Dantes personally delivered parcels for his delivery service, DingDong PH
Bonggang pasabog sa pagbabalik ni John Lloyd Cruz kasama si Willie Revillame
Riva Quenery, kuha ang mga nakakatawang reaksyon ng mga kaibigan sa kanyang pregnancy announcement.

Sa bawat tagumpay na nararating ay hindi maiwasang tingnan ang nakaraan. Doon mas lalong nakikita ang pagod at hirap na binigay ng isang tao upang makamit ang tagumpay sa buhay. Gayun ang kwento ni RR Enriquez na dating kilala ng madla bilang isang Wowowee dancer. Kasalukuyang businesswoman na si RR at tumatayong inspirasyon sa marami nating kababayan na nais makamit ang kanilang mga pangarap.

Hindi lang ganda at kaseksihan ang ipinamalas ni RR kundi pati sa galing nito sa pagsasayaw at audience impact nito tuwing siya’y nasa entablado. Matatandaan na isa si RR sa mga sikat na dancers sa game show ni Willie Revillame kabilang na si Luningning at Mariposa. Maliban sa mga ipinamalas ni RR na talento ay may angkin na galing rin pala ito sa pagnenegosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Itinayo ni RR kasama ang kanyang nobyo na si Jay-Jay Helterbrand ang “Rejuva Aesthetics and Laser Center” noong 2011 sa Cavite. Pinapangarap lamang nilang dalawa ang pagkakaroon ng negosyo ngunit nang mapansin nila ang lumalagong kasikatan at koneksyon ni RR sa showbiz ay napagpasyahan nilang magtayo ng beauty center. Sakto lamang dahil ang isa sa pinakapuhunan ng mga personalidad sa showbiz ay ang kanilang hitsura.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rr Enriquez (@rr.enriquez)

Bagamat ang koneksyon ni RR sa industriya ng showbiz ang naging daan ay binigyan pagpapahalaga naman nila ang tamang pangangalaga sa kanilang empleyado at customers upang magpatuloy ang mga ito tangkilikin ang kanilang beauty center. Ito na marahil ang isa sa nagbigay daan upang mas lalong maging matagumpay ang kanilang negosyo.

Mapapansin na karamihan ng mga nagtatrabaho sa industriya ng showbiz ay nagpapasya na rin magnegosyo. Isa lamang si RR sa mga ito at makikita na isa sa magandang career move ang pagkakaroon ng negosyo at hindi papakampante sa kasikatan. Maganda na magkaroon tayo ng back-up plan sa lahat ng bagay, tulad na lamag sa pagdating ng di inaasahang pandemya sa buong mundo. Marami ang naapektuhan ang kanilang source of income at kinailangang tumayo muli upang malampasan ang pinagdadaanan na pagsubok.

COMMENTS