Naging madali para sa marami ang pagkakaroon ng online delivery at mga delivery companies. Madaling makakaorder ng paborito nating pagkain sa kahit al
Naging madali para sa marami ang pagkakaroon ng online delivery at mga delivery companies. Madaling makakaorder ng paborito nating pagkain sa kahit alin restaurant dahil sa convenience na hatid ng mga kompanya na ito. Subalit bawat customer ay sadyang may preference sa kanilang mga order. Tulad na lamang ng customer na nagviral matapos nitong ipost ang kakaibang request nito sa tindahan na inorderan nito ng pagkain.
Ipinost ng facebook user na si Eli Aldana ang litrato ng resibo na may note nito pati na rin ang oras ng booking. Mabilis naman kumalat sa social media ang photo na ipinost sa nito na umani ng samu’t saring reaksyon sa mga netizens.
Makikita sa photo ang resibo na inorder ni Eli na 2-Piece chicken meal kasama ang large drink nito. Subalit kasama rin pala sa ibaba ang binilin nito na huwag ‘leg’ or ‘wing’ part ng manok ang ibigay na fried chicken. Isinama pati nito ang dahilan kung bakit ayaw nito ng mga nasabing parte ng manok. Pagpapaliwanag nito, ay bawal umano sa kanilang relihiyon ang mga parte ng manok na ito.
Ayon sa nakasulat sa resibo, “Wag po leg or wing pls. bawal po sa religion ko ang leg or wing. Hindi daw po kasi makaka akyat ng langit yung manok pag walang pakpak at paa. Kinain na nga natin siya eh hindi pa ba natin papa akyatin sa langit? Kawawa.”
Hindi malinaw kung biro lamang ito ngunit tiyak na nakapagbigay ito ng ngiti sa empleyado, rider at pati na rin sa mga netizens. Sadyang mas malaman kasi ang mga parte na breast at thigh kaysa sa leg at wing part.
Nag bigay naman ng caption si Eli ng, “AY P*TA.
PINI- PRINT PALA NILA YUNG SPECIAL INSTRUCTIONS MO SA RESIBO. KAYA PALA SABI NUNG NAG DELIVER SA AKIN KANINA…
ayos ba ser? nasa langit na ba sila? …”
Makikita ang buong post rito.
COMMENTS