Madiskarteng vendor ng ice scramble, viral dahil sa kahanga-hangang tricks nito.

Madiskarteng vendor ng ice scramble, viral dahil sa kahanga-hangang tricks nito.


Isa sa mga dessert na parte ng childhood natin ay ang ice scramble o Iskrambol. Para sa mga hindi pa nakakatikim nito, ito’y shaved ice, na may banana

Lola nagsumikap at nakapagtapos ng Kolehiyo sa edad na 68
Umabot sa 65k ang naipon ng ginang na ito sa loob ng 3 buwan dahil sa kakaibang diskarte nito sa pera.
Pupukaw sa inyong mga puso ang madamdamin na sulat ng isang anak para sa kanyang ulirang Ama.

Isa sa mga dessert na parte ng childhood natin ay ang ice scramble o Iskrambol. Para sa mga hindi pa nakakatikim nito, ito’y shaved ice, na may banana extract, asukal at condensed milk.

Kadalasang hinahaluan ito ng pink na pampakulay upang mas maganda ito tignan. Sa ngayon ay nilalagyan na nila ng iba’t ibang pakulo ang pagbebenta ng ice scramble. Ang ilan ay nilalagyan pa ng toppings tulad ng powdered milk, marshmallow at chocolate syrup. May iba naman na nilalagyan ng sago, pinipig, sprinkles at gummy bears. Subalit may isang tindero ng ice scramble na sinasamahan ng tricks ang paghahain ng nito sa harap ng kanilang customer ang nagviral kamakailan sa social media.

Ice Scramble Vendor

Mula sa isang facebook user na si Angelo Dy ang video ng nagbebenta ng ice scramble sa kanilang lugar. Mapapansin agad sa cart ni manong na wala ito masyadong toppings na nakadisplay at tanging syrup lamang ang hinahalo niya sa paninda niya.

Sa paghahanda nito ng cup ng ice scramble ay sinisigurado ni manong na puno ang lalagyan nito. Matapos nito ay itinutumba nito ang cup sa harap mismo ng customer. Makikita sa video na binaligtad nito ang cup ngunit hindi nabuhos ang ice scramble. Sa pangalawang gawa nito ay inikot na nito ang cup na may ice scramble bago ibigay sa customer. Nilagyan naman ito ng caption ni Gelo ng: “Dairy Queen mag sara na kayo hahahahahahaha”

Ice Scramble Vendor

Tulad kasi ng kilalang Ice cream shop ay itinutumba rin nito ang cup bago iserve. Palatandaan na makapal ang mixture nito at hindi puro tubig at ice. Sa paggawa nito ay kinakailangan ng technique na may hangin sa mixture at mapanatiling malamig upang hindi malabnaw at babagsak ang iskrambol. Umani naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing video. Karamihan ay humanga sa vendor ng ice scramble at tinatayang mas masarap ang paninda kaysa sa isang kilalang ice cream shop. Makikita ang buong video rito.

COMMENTS