Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.

Tindero ng fishball na walang kamay, isang ulirang Ama sa kanyang pamilya.


Lahat sa atin ay nakakaranas ng pagsubok sa buhay. Maaaring iba-iba ang pagsubok na kinakaharap ng bawat isa sa atin, subalit pare-pareho tayong nagsi

Yayamanin! Bouquet na gawa sa P72k na pera pati na rin ang chocolate bouquet na kasama nito, nagtrending!
“Wag ma-pride, mag-sorry.” Doug Kramer gives tips to husbands for a long-lasting, happy relationship with their wives.
Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.

Lahat sa atin ay nakakaranas ng pagsubok sa buhay. Maaaring iba-iba ang pagsubok na kinakaharap ng bawat isa sa atin, subalit pare-pareho tayong nagsisikap upang malampasan ang mga ito. Sa kalagayan ng isang ama na walang kamay, ang pamilya niya mismo ang naging lakas nito upang kayanin ang bawat balakid na kanyang kakaharapin.
Umani ng papuri ang PWD na si Noel Perez o mas kilala bilang si Mang Weng dahil sa pagsisikap nitong magtinda ng fishball sa kabila ng pagkawala ng kanyang kamay. Batid ang pagod at hirap sa mukha ni mang Weng ngunit hindi naging hadlang sa kaniya ang kanyang kalagayan upang hindi makapagtrabaho para sa kanyang pamilya.

May be an image of 1 person and food
Hindi madaling magluto ng fishball sa kawaling may mainit na mantika o magsukli ng barya sa kanyang mga customers sa kalagayan ni Mang Weng. Ang isang braso nito ay hanggang siko lamang at sa kabila ay maiksi ang mga daliri.
Ayon rito ay nawala ang kanyang mga kamay dahil sa isang aksidente noong 1983 nang makuryente umano ito habang nagtatrabaho sa isang construction site. Tila mahirap isipin ang matinding pinagdaanan ni Mang Weng dahil mababakas sa kanyang mga mukha ang pagkakuntento at ang pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

May be an image of 1 person and food
Sadyang pinagkalooban din si Mang Weng ng madiskarteng pamamaraan sa paghahanap buhay dahil nagawa nitong mapagaral ang kanyang mga anak. Ang isa naman nitong anak ay nagtatrabaho na sa abroad at tumutulong sa gastusin sa kanilang pamilya. Hindi nga lamang ito sapat dahil may mga gamot na kinakailangang bilhin para sa kanyang asawa.
Mula sa video na ibinahagi ng facebook user na si Alvin Manalang ay nakaabot ang nakakainspire na kwento ni Mang Weng sa ating mga kababayan. Na-feature pa ang kwento ni Mang Weng sa GMA News na nagpahayag ng, “may kulang man daw sa kaniya, hindi niya maatim na magkulang pagdating sa kaniyang pamilya.”

COMMENTS