Nasaan na nga kaya si Lumen? Alamin ang buhay ngayon ng wais na nanay ng Surf.

Nasaan na nga kaya si Lumen? Alamin ang buhay ngayon ng wais na nanay ng Surf.


Kilala sa naging role niya bilang isang wais nanay ng Surf si January Isaac o si ‘Lumen’. Matatandaan ang karakter na si Lumen bilang nanay ng kambal

Julia Barretto at Joshua Garcia nagkaroon ng closure ng gumanap sa music video ni Moira na “Paubaya”.
Kilalang celebrity na may nakakainspire na kwento ng buhay na talaga namang aantig sa inyong mga puso.
Kelley Day, nasungkit ang first runner-up at naipanalo ang national costume sa Miss Eco International 2021.

Kilala sa naging role niya bilang isang wais nanay ng Surf si January Isaac o si ‘Lumen’. Matatandaan ang karakter na si Lumen bilang nanay ng kambal na anak na babae na sina Charlotte at Charice Hermosa sa sikat na commercial ng Surf noong 90’s.

Ating baliktanawin ang commercial na tumatak sa puso ng mga Pilipino. Sa patalastas ng surf na umere mula 1998 hanggang 2015, at kwento nito ay kasal umano si Lumen kay ‘Lando’ at kabilang sa eksena ang Ina ni Landon a napakaistrikta umano sa kalinisan. Nirekomenda ng biyenan ni Lumen na gumamit ng mamahaling detergent upang masigurong malinis ang mga damit ng kanyang mga apo. Subalit dahil wais nanay si Lumen, ay Surf ang ginagamit nitong sabon panglaba.

Hindi maitatanggi na may angkin na ganda at audience impact si January kaya naman ay mabilis na tumatak ang patalastas sa mga Pilipino. Ngayon ay masayang namumuhay si Januray Isaac sa Amerika kasama ang kanyang asawa na si Wade Bodlovic at kinasal ang dalawa noong 2010 sa Shoreline, Washington.

Nabiyayaan ang mag-asawa ng dalawang anak, sina Hunter at Harley Jade. Sa Instagram ni January, ay madalas nitong banggitin na mahilig silang magasawa sa hunting at hiking. Nanatiling aktibo sa social media si January at madalas magbahagi ng mga larawan nilang pamilya.

Nagaral si January sa School of Richard Brander Acting sa Los Angeles California noong 2005 kung saan ay nakapagtapos siya ng Bachelor’s Degree in Production Design. Nakamit rin nito ang double black belt sa Taekwondo at Akido.

Tampok rin si January bilang stunt man sa pelikulang ‘Burador’ na isang American-produced movie noong 1999 at sa ‘Doomsdayer’ bilang Dyna Castaneda noong 2000. Nakasama rin siya sa telefantasya series na ‘Gagambino’ kung saan nakatrabaho nito si Roy Alvarez. Bagamat ilang taon na ang lumipas mula nang makita natin siya sa telebisyon ay napapanatili pa rin nito ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagdyi-gym.

 

COMMENTS