Dating child star na si Eliza Pineda, binihag ang puso ng mga netizens sa ganda nito.

Dating child star na si Eliza Pineda, binihag ang puso ng mga netizens sa ganda nito.


Maraming child star ang panandaliang umaalis sa showbiz spotlight upang mabigay ang buong atensyon sa kanilang pagaaral. Nararapat lamang ito dahil wa

Ivana Alawi at Gerald Anderson, spotted na magkasama sa Masbate! Mga netizens ngayon ay nagtataka.
“Wag ma-pride, mag-sorry.” Doug Kramer gives tips to husbands for a long-lasting, happy relationship with their wives.
Bongbong Marcos, nagpasalamat sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang 31M na boto!

Maraming child star ang panandaliang umaalis sa showbiz spotlight upang mabigay ang buong atensyon sa kanilang pagaaral. Nararapat lamang ito dahil walang mas hihigit pa sa importansya ng edukasyon.

Samantala, sa kanilang pagbabalik ay madalas na umaaani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa madla lalo na’t ang huling alaala ng mga ito ay ang cute at inosenteng bersyon nila sa telebisyon. Tulad na lamang ni Eliza Pineda na tumatak sa ating mga puso nang makabilang ito sa teleseryeng Maria Flordeluna. May mala-Judy Ann Santos ang dating sa iyakan at pati na rin sa angel nitong mukha. Kabilang rin ito sa sikat na kid’s show na ‘Going Bulilit’ at pati na rin sa palabas na ‘Kung Fu Kids’.

May be an image of 1 person and standing

Kabilang rin ito sa fantasy series na ‘Wansapanataym’ kung saan iba’t ibang roles ang madalas nitong ginaganapan sa iba’t ibang episode. Kabilang rin ito sa teleseryeng tumatak sa ating puso na ang, ‘Angelito: Batang Ama’.

May be an image of child and standing

Pinanganak bilang Maria Eliza Pineda Bautista, ay sinimulan nito ang karera sa showbiz sa Kapamilya network. Bumida sa mga palabas na matataas ang ratings at talagang kinagiliwan rin ng mga manonood. Bata pa lamang, ay marami na ang napahanga nito sa kanyang talento sa pagarte, kaya naging kapansin-pansin ang panandaliang pagpahinga ito sa showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eliza Pineda (@mariaelizapineda)

Ngayon ay dalagang-dalaga na si Eliza at isa na sa mga bagong artists ng kapuso network. Kabilang rin ito sa supernatural horror film na “Haunted Mansion” bilang si Jessie noong 2015, at kasama ang mga beteranong aktor na sina Janella Salvador, Janice De Belen at Iza Calzado.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eliza Pineda (@mariaelizapineda)

Mas lalong naging prominent ang angelic face ni Eliza na dumadag sa ganda nito. Ayon sa isang online entertainment website, ay pinagiisipan na rin nitong magmodel sa men’s magazine. Supportado naman ang kanyang pamilya sa desisyon niya lalo na’t nasa edad na ito upang magdesisyon para sa sariling career nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Eliza Pineda (@mariaelizapineda)

COMMENTS