Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.

Nanay na kumakayod upang mabuhay ang pamilya sa kakarampot na kita, kukurot sa inyong puso.


Sadyang mapagmahal at masakripisyo ang ating magigiting na ina. Siyam na buwan man sila nagbuntis, ngunit habang buhay naman ang kanilang pagmamahal a

Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.
Netizen na tumulong sa isang Lolo sa ATM nito, umani ng papuri sa social media.
Ivana Alawi sets up a surprise of P10,000 cash and helmets to delivery riders.

Sadyang mapagmahal at masakripisyo ang ating magigiting na ina. Siyam na buwan man sila nagbuntis, ngunit habang buhay naman ang kanilang pagmamahal at pagaaruga sa atin. Sa hirap ng buhay o sa pagsubok man na darating, naririto sila na masasandalan.

Laganap man ang kahirapan sa mundo ay hindi parin sumuko ang isang matandang ginang sa buhay. Mula sa post ng netizen na si Mendoza Labanes ang kwento nu nanay Cornelia na 63 taong gulang mula Misamis Oriental. Bagamat may edad na ay patuloy pa rin ang pagkayod nito upang masuportahan ang anak at apo nito.

May be an image of 1 person and child

Ang anak na babae ni nanay Cornelia ay ipinanganak na may problema sa pagiisip. Sa matagal na panahon ay magisa nitong pinalaki ang kanyang anak. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nabuntis ang kanyang anak, at dahil sa kalagayan nito ay hindi alam ni nanay Cornelia kung sino ang ama ng bata. Hindi madali ang naging pasanin ni nanay Cornelia subalit patuloy pa rin ito sa paghahanapbuhay. Sa kabila ng katandaan nito ay siya lamang ang tanging maaasahan ng kanyang anak at apo.

May be an image of 1 person and text that says '4G 6:27 Data Mode 4G1 39 Go to Free Marilou Mendoza Labanes Marilou Mendoza Labanes Si nanay Ang mag-isang nag-aalaga ng KANYANG ANAK NA BALIW na binuntis ng Hindi pa nakikilala Kung sino, siya Ang nag- aalaga sa anak at Apo Niya siya Ang nag- iigib ng tubig, maghugas ng mga pinggan, mag saing at higit sa lahat Ang maghahanap buhay para mabuhay silang tatlo... See More You, Sharice Cabeltes and 1.4K others 1K 2K 2K'

Si nanay Cornelia rin mismo ang gumagawa ng mga gawaing bahay, at dahil sa hindi nito kayang magtrabaho at mawala sa bahay sa mahabang oras ay sa bahay mismo nito ginagawa ang binebenta nito. Ayon kay nanay Cornelia, tanging ang pagbebenta ng barbecue stick ang pinanghahanap-buhay nito. Sa 100 na pirasong barbecue stick na magagawa ni nanay ay limang piso lamang ang bayad sa kaniya. Ibinahagi naman nito na 500 na barbecue stick lamang ang kaya nitong gawin sa isang araw kaya suma-total ay 25 pesos lamang ang kinikita nito. Napakaliit lamang ng 25 pesos upang pagkasyahin sa kanilang pangangailangan pangaraw-araw. Bigas na mais lamang ang kayang bilhin ni nanay Cornelia at ang ulam nila ay asukal. Kapag umanong may nagbigay ng bigas ay ginagawa itong lugaw upang maipakain rin sa kanyang apo.

No photo description available.

Si Marilou ay kapitbahay umano ng matanda at hindi nito matiis ang kaawa-awang kalagayan ng magiina. Nanawagan ito sa facebook upang matulungan ang matanda, at ibinahagi ang kwento ni nanay Cornelia.

Nagbigay naman ng tulong ang CSWDO ng Ginoog City para sa magiina. Napabilang na din sa ‘Food Assistance Program’ ng Brgy. Bal-ason, sina nanay Cornelia kung saan ay makakatanggap na sila ng food supply kada dalawang buwan. Maliban rito ay makakatanggap na rin ang mga ito ng SAP o Social Amelioration Program.

Naging daan si Marilou upang matulungan ang pamilya ni nanay Cornelia. Ito ang isa sa halimbawa ng tamang pag gamit ng social media, kung saan ay nakakatulong ang platform kaysa sa nakakasama.

COMMENTS