Umabot sa 65k ang naipon ng ginang na ito sa loob ng 3 buwan dahil sa kakaibang diskarte nito sa pera.

Umabot sa 65k ang naipon ng ginang na ito sa loob ng 3 buwan dahil sa kakaibang diskarte nito sa pera.


Sadyang dumarating ang panahon na kakailanganin natin ng pera sa mga sitwasyon na may biglang pangangailangan. Isa rin ito sa daan upang makabili tayo

Dayuhan na taga Hongkong, nagpunta ng Pilipinas upang alagaan ang dati nitong nanny matapos malaman ang kalagayan nito.
Dalagang nag Cum Laude sa Bulacan, 8 trabaho ang kinuha upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

Sadyang dumarating ang panahon na kakailanganin natin ng pera sa mga sitwasyon na may biglang pangangailangan. Isa rin ito sa daan upang makabili tayo ng pangaraw-araw na pagkain, tubig o gamit. Kaya naman ay sinisikap ng bawat isa sa atin na makapaghanapbuhay at kumita ng pera.

Sa kwentong ibinahagi ng facebook page na CFO PESO SENSE, ay nakapagpamulat ito ng kahalagahan ng pagiipon ng pera. Makikita ang importansya ng pagtitipid, at pagiipon. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang iniipon at itinitipid, basta’t maipagpapatuloy natin ito ay tiyak na malaking halaga na ito pagdating ng panahon.

May be an image of indoor

Isang babae ang nagipon sa paggamit ng ‘Invisible 50’ challenge, kung saan ay lahat ng 50 pesos nito ay inihuhulog niya sa kanyang alkansya. Hindi mahalaga kung lukot or bagong emprinta ang pera hangga’t 50-peso bill ito ay itinatabi na nito. Kaya naman ay nagmistulang ‘invisible’ ang bawat 50-peso bill nito. Ayon sa page, ay nagsimula itong magipon noong Disyembre 2020 hanggang Marso 2021.

No photo description available.

Sa loob ng tatlong buwan ay laking gulat na lamang nito na umabot pala sa halagang Php. 65,000 ang naipon niyang pera. Ayon rito ay iba-iba ang kanyang raket upang kumita ng pera, mula sa online selling, pagbebenta ng ukay-ukay, sari-sari store, negosyong paluwagan at kung anu-ano pang pwedeng ibenta at pagkakitaan.

“Mraming pangarap sa buhay kaya kahit anong pede pag kakitaan go lang… Kng ano pumapasok s isip KO ebebenta go ako.kc kng dka susugal pra sa pag nenegosyo di mo malalaman kng talo o panalo ka.. Ukay ukay -bigas- plastic ware – itlog – kahit ano… D ako mpakali pg wla ako income maliban s sari sari store q maliit.”

“Nakapundar nrin pala kami ng sasakyan 2ndhand na kotse, motor at e bike na malaking tulong sakin… Nakakabili ng mga gamit na noon ay pinapangarap ko lang… Sa ngaun pangarap ko naman magkaroon ng sariling bahay. Pang 4th post ko na siguro dto. I hope next post ko dito nakabili na ako ng lote at nkpag pagawa ng kahit maliit na bahay. Pang palakas loob sa mga nawawalan ng pag asa. Salamat PESO SENSE.”

Tunay na rewarding ang pagsisikap at pagtitiyaga kung matitipid natin ang perang kinita. Mas malaki pa mismo ang mararating natin sa buhay kung wais tayo sa paghawak ng salapi.

COMMENTS