Halik na nagsimula 20 years ago, tanda pala na itinadhana sila sa isa’t isa.

Halik na nagsimula 20 years ago, tanda pala na itinadhana sila sa isa’t isa.


Maaaring narinig na ninyo ang mga katagang, first love never lasts, at marahil ay sumasang-ayon kayo rito. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay da

Kilig story ni JC Santos at ng babaeng nagpatibok ng kanyang puso kahit binasted ito noong highschool.
Domestic abuse survivor finds the right kind of love in the man who saved her.
Magkaibigan lang noon, nagkaibigan sa gitna ng lockdown.

Maaaring narinig na ninyo ang mga katagang, first love never lasts, at marahil ay sumasang-ayon kayo rito. Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat natin paniwalaan ito. Marahil sa pagdating ng panahon, ay kayo rin pala ang itinadhana sa isa’t isa.

Minsan ay sadyang mapaglaro ang tadhana subalit ito ang nagbibigay sa atin ng mga aral na kailangan natin matutunan bago tayo dahil sa daan papuntang ‘happily ever after’. Tulad na lamang ng mag-asawang nagviral sa social media matapos nila ibahagi ang tila mala-teleseryeng love story nila.

May be an image of one or more people, people standing, purse and text that says 'LOVED'

Mula Cebu ang mag-asawang sina Edil John Lanticse at Melodie Garcia Lanticse, at parehong nasa 32 anyos. Ikinasal ang dalawa nito lamang January 28, 2021 at ibinahagi nila sa social media ang nakakakilig nilang kwento. Aniya ay magkababata pala silang dalawa, 20 taon na ang nakalipas ay nakatira sila sa kanilang hometown. Pareho ang kanilang eskwelahan na pinapasukan noon, at natural ay naging magkaibigan ang dalawa. Nakuhanan pa sila noong mga bata na binibigyan ng halik sa pisngi ni Edil si Melodie.

May be an image of 2 people, people standing and outdoors

Dumating ang panahon ay kinailangan na nila Melodie lumipat ng matitirahan dahil nasira ang kanilang bahay. Matapos ang 20 na taon ay nahanap ni Melodie si Edil sa facebook. Taong 2017 nang muli sila magkausap, at dahil matagal na rin ang lumipas ay wala pa umano silang spark na nararamdaman. Sa pagdaan ng panahon ay naging magkaibigan silang muli hanggang sa nadevelop sa pagiibigan. Muli ay nahulog ang loob nila sa isa’t isa hanggang sa nauwi sa kasalan. Bilang pagkilala sa simula ng kanilang pagiibigan ay ni-recreate nila ang luma nilang photo noong araw ng kanilang kasal.

 

Basahin ang pahayag ni Melodie sa kanyang post.

“First love never dies! It only gets stronger with TIME. No matter how it takes, true love is always worth the wait!

The first time I was kissed by him, I was hooked, one kiss and I became addicted to him! I knew then, that no one could ever make me feel such an electric spark.


The moment I drew back from your lips and looked into those perfect eyes, I knew I would love and follow you until the end of my life!

Trivia: It’s worth the wait 20 years of not seeing each other and we ended up in each other’s arms!”

*photo credits to Melodie Lantice’s facebook.

COMMENTS