Kilalanin ang confidently beautiful na Miss Ecuador 2021 candidate na walang dalawang braso at kaliwang binti.

Kilalanin ang confidently beautiful na Miss Ecuador 2021 candidate na walang dalawang braso at kaliwang binti.


Naging usap-usapan dahil sa milyong humanga sa pagdadala ni Victoria Salcedo sa kanyang sarili nang sumali ito bilang candidate sa Miss Ecuador 2021.

Lalaking iisa ang paa, pinabilib at naka one-on-one pa ang Pinoy Sakuragi na si Mark Pingris.
Proud na isinabit ng isang babae ang tarpaulin sa pagtatapos ng pagaaral, kahit na tagpi-tagpi ang bahay nito.
Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.

Naging usap-usapan dahil sa milyong humanga sa pagdadala ni Victoria Salcedo sa kanyang sarili nang sumali ito bilang candidate sa Miss Ecuador 2021.

Agaw-pansin ang bawat galaw ni Victoria at kapansin-pansin ang pagiging confident nito sa entablado. Napabilang naman sa top 20 finalists si Victoria at nilagyan pa ito ng sash ng sarili niyang ama. Kitang-kita ang pagkaproud ng ama rito, at abot langit ang saya para sa anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MISSUUPDATES (@missuupdates)

Mula sa pinakamalaking syudad ng Ecuador, ang Guayaquil, si Victoria at nagaaral ng journalism. Dahil sa isang aksidente noong limang taon gulang pa lamang ay kinailangan putulin ang kanyang dalawang braso at ang kaliwang paa. Bagamat mula sa isang masaklap na nakaraan ang kanyang kapansanan ay natutunan naman nitong mahalin ang sarili at sundin ang pangarap ng walang balakid.

Nais ni Victoria na maabot ang kanyang goals sa buhay kaya naman kahit nakakaranas ito ng pangungutya ay patuloy lamang ito sa pagtayo. Bagamat ang prosthetics niya ay sa isang paa lamang, ay kinakaya ni Victoria ang bawat gawain gamit ang kanyang kanang paa. Hindi ito naging problema sa bawat hamon na kinaharap nito sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Victoria Salcedo (@vicco_salcedo)

Mahilig sa fashion at styling si Victoria, at sa katunayan ay nagwagi ito bilang Queen of Loja, isang bayan sa Ecuador, noong 2018. Tinagurian din siyang National Angel dahil ginagamit nito ang social media upang bigyang lakas ang mga kababayan niya na may kapansanan. Umani ng 100k followers ang kanyang Instagram at 260k naman sa kanyang Tiktok account.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Victoria Salcedo (@vicco_salcedo)

Tumatayong motivational speaker rin si Victoria upang makapagbigay inspirasyon at motivation sa mga taong napanghihinaan ng loob sa sarili. Nais nitong madiskubre rin ng marami ang pagmamahal sa sarili at kilalanin na walang ibang hadlang upang maabot ang pangarap kundi ang sarili.

 

COMMENTS