Mahirap lang noon, pero artista na ngayon! Alamin ang mga dati nilang trabaho bago sumikat.

Mahirap lang noon, pero artista na ngayon! Alamin ang mga dati nilang trabaho bago sumikat.


Ilan sa mga kilalang artista ay may baong na nakakainspire na kwento ng pagsusumikap at determinasyon na nagdala sa kanila sa maginhawang buhay. Batid

Dalagang nag Cum Laude sa Bulacan, 8 trabaho ang kinuha upang masuportahan ang sarili sa pag-aaral.
Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.
A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.

Ilan sa mga kilalang artista ay may baong na nakakainspire na kwento ng pagsusumikap at determinasyon na nagdala sa kanila sa maginhawang buhay. Batid ng bawat isa sa atin na hindi madali ang pagabot sa mga pangarap, at ang mga kilalang taong ito ay pruweba na hindi tayo dapat sumuko. Marami sa kanila ay nakapagpa-inspire ng mga tao sa ibang mundo na magpatuloy sa pagsisikap upang makamit ang tagumpay na inaasam sa buhay.

 

Manny Pacquiao

Tinaguriang “People’s Champ” ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao. Isa rin ito sa mga nakakainspire na Pilipino sa buong mundo. Mula sa hirap si MAnny Pacquiao at dating nagtrabaho bilang sampaguita vendor, construction worker, panadero, atbp para lamang makatulong sa pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Jericho Rosales

Hindi naging sikreto sa publiko ang dating pinagdaanan ni Jericho Rosales bago nito nakamit ang masaganang buhay. Marami ang naging trabaho nito noon, naging barker ito ng jeep at personal driver. Nakapagtrabaho rin ito bilang service crew sa isang pizza parlor at nagbentang ice buko sa palengke. Namulot rin ito ng lumang dyaryo noon upang ibenta sa mga junk shop. Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, “When I was young I collected discarded wires and old newspapers to be sold in junk shops in exchange for money and sometimes cheap cheese curls. I collected plastic trash from a dumpsite with my cousin, I sold ice buko (frozen coconut water with milk and sugar), sold fish in the market, became a jeepney ‘barker’, a pizza boy and a driver.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @jerichorosalesofficial

Coco Martin

Bago pa man naging isa sa big names sa mundo ng showbiz si Coco Martin ay nagkapagtrabaho ito noon bilang OFW na janitor at waiter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin™ (@justcocomartin)

(p.s. hindi ito ang official IG ni Coco Martin)

Marvin Agustin

Maliban sa pagiging atista ay mayroon nang restaurant chain si Marvin Agustin, at maliban pa doon ay kumikita na rin ito sa kanyang social media accounts. Malayo na ang narating nito ngayon subalit noon ay nagtatrabaho lamang ito bilang maskot. Nagbebenta rin ito ng mga miryenda noon at nagtrabaho bilang waiter sa isang restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by M A R V I N (@marvinagustin)

Jelai Andres

Marami ang humahanga kay Jelai Andre ngunit lingid sa kaalaman natin, ay datin nagtrabaho bilang receptionist sa Qatar si Jelai. Kalaunan ay napromote ito bilang secretary at admin officer sa isang real estate company doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jelai Andres (@jelaiandresofficial)

Jak Roberto

Bumida sa ‘Kara Mia’ si Jak Roberto at subalit noon ay nagpipinta lamang siya ng mga lapida sa sementeryo upang kumita ng pera.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Zeinab Harake

Dating nagtatrabaho sa isang mall bilang isang Disney Princess si Zeinab bago pa man ito naging isang sikat na vlogger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Jose Manalo

Isa na ngayon sa kilalang host ng longest running noontime show na, ‘Eat Bulaga’ ang komedyanteng si Jose Manalo. Subalit bago maabot ito, ay dati siyang production assistant at floor director ng naturang tv show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jose Manalo Tayo (@josemanalotayo)

Diego Ilorico

Sikat na komedyante sa ‘Bubble Gang’ si Diego Ilorico ngunit bago pa man ito ay dating production assistant lamang ito ng palabas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego Llorico (@diegollorico)

COMMENTS