Tabi-tabi po, kotse ng balut vendor na gawa sa metal drum, aarangkada na!

Tabi-tabi po, kotse ng balut vendor na gawa sa metal drum, aarangkada na!


Tunay na madiskarte ang mga Pinoy at nakakalungkot isipin na marami mga talented na Pinoy ang kinailangan pang marecognize sa ibang bansa dahil sa hir

Estudyante mula Leyte, nakamit ang 20 Million pesos worth na premyo mula sa International Science Competition
Man and wife earns P50,000/month for making vlogs about his life in the province.
A man was saved by a doctor who happens to be the girl he’s put to school 11 years ago.

Tunay na madiskarte ang mga Pinoy at nakakalungkot isipin na marami mga talented na Pinoy ang kinailangan pang marecognize sa ibang bansa dahil sa hirap ng buhay. Natural na madiskarte, masinop at masipag ang mga Pinoy na kadalasang nakikita sa panahon ng kagipitan.

Pagbebenta ng balut ang ikinabubuhay ni mang Rolando Barrientos. Hindi madaling magcommute araw-araw at mas naging mahirap pa ngayong panahon ng pandemya. Kaya naman upang mairaos ang kahirapan at may maitustos sa pangaraw-araw na pangangailangan ng pamilya ay kinailangan nitong gumawa ng paraan.

Balut Vendor

Balut Vendor

Napagpasyahan ni Mang Rolando na gumawa ng sarili niyang masasakyan tuwing siya’y magbebenta ng balut. Mula sa mga di na nagagamit na bakal na sanay ibebenta na nito at sa luma nitong motorsiklo ay nakabuo ng owner-type na jeep si Mang Rolando.

May be an image of 1 person

May be an image of car and outdoors

May be an image of outdoors

Ayon rito ay manghinayang umano ito ibenta ang mga parts ng kanyang sirang motorsiklo. Sa halip, noong panahon ng lockdown ay naisipan nitong bumuo ng sariling sasakyan. Pinagtulong-tulungan umano nila ng mga kaibigan nito ang pagbuo dahil wala siya masyadong kaalaman sa pagbuo ng sasakyan. Ang luma nitong drum na pakalat-kalat sa labas nilang bahay ay nagsilbing katawan ng kanyang sasakyan, ang windshield ay mula sa screen ng lumang LED TV, ang mga stainless naman na nagdurogtong sa kabuuan ay scrap metal lamang. Ang makina ay mula sa lumang motor ni Mang Rolando, at ang mga gulong naman ay mula sa sirang e-bike at bisikleta na binebenta sa junkshop. Ang iba-iba pang parte nito tulad ng suspension at chasis ay mula rin umano sa iscrapan.

COMMENTS