Kilalang child star na si Makisig Morales, nahanap na ang ‘forever’ sa isang beauty queen!

Kilalang child star na si Makisig Morales, nahanap na ang ‘forever’ sa isang beauty queen!


Isa sa mga child actors na tumatak sa isipan ng mga Pilipino si Makisig Morales. Maliban sa nakakabilib na pangalan nito ay minahal rin siya ng madla

Bb. Pilipinas Candidate ibinihagi ang kanyang Buhay bilang isang dating Pili PUI at Pagiging tindera ng Fishball at kikiam sa gitna ng Pandemya
Isang sikat na singer, binigyan ng bahay ang Pinay caregiver ng kanyang lolo.
Lolit Solis, sinabing pagpapansin lang o ‘KSP’ ang pagbabahagi ni Angeline Quinto ng kanyang panganganak.

Isa sa mga child actors na tumatak sa isipan ng mga Pilipino si Makisig Morales. Maliban sa nakakabilib na pangalan nito ay minahal rin siya ng madla bilang si ‘Super Inggo’ noong kabataan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Sa paglipas ng panahon ay nakilala na rin nito ang babaeng mamahalin nito habang buhay. Ikinasal na ito sa kanyang Filipina-Australian wife na si Nicole Joson noong June 2019.  Inanunsyo ito ni Makisig sa kanyang Instagram Account na may caption na: I did not look for love, but instead love found me and brought me back to him. I am grateful to be your other half my love. I love you..”

Unang ipinakilala ni Makisig ang kanyang Miss Earth Australia Charity 2017 Beauty Queen noong 2018 nang mag-guest sila sa ‘Magandang Buhay’. Ibinahagi naman ni Makisig ang simula ng love story nila ni Nicole. Ayon rito ay nag-migrate na ang pamilya ni Makisig sa Australia noong 2014, subalit bumalik ito sa Pilipinas para sa taping ng fantasy-action series na ‘Bagani’.

Nagkataon naman na nagbabakasyon sa bansa si Nicole at naipakilala sila sa isa’t-isa ng kanilang mutual friend sa isang gathering. Nagkasama rin sila manood ng isang basketball game at doon pa lamang ay nakita na nila ang spark, na nagsilbing hudyat upang mas kilalanin pa nila ang isa’t isa. Nauwi sa pagmamahalan hanggang sa kasalan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Morales (@_nicolejoson_)

Ibinahagi rin ng dalawa na importante na manatili ang communikasyon, pagtitiwala at pananatili na ang Diyos ang sentro ng relasyon. Ito ang mga naging pundasyon ng pagmamahalan ng dalawa, kaya naman ay walang pagdadalawang-isip na nagpakasal ang mga ito sa sumunod na taon.

Pagsusulat ni Nicole bilang caption sa kanyang Instagram post: “A man who would lead you to God and not sin, is always worth the wait.”

 

Nagpost rin ang beauty queen ng larawan nang magpropose si Makisig at may caption na: “He stole my heart, so I’m stealing his last name.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Morales (@_nicolejoson_)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Morales (@_nicolejoson_)

Congratulations Makisig ang Nicole, stay in love!

COMMENTS