Sikat na artista na hindi ikinahihiya ang pagtitinda sa palengke para rumaket sa gitna ng pandemya

Sikat na artista na hindi ikinahihiya ang pagtitinda sa palengke para rumaket sa gitna ng pandemya


Sa dumaang pandemya sa bansa madaming pilipino ang naapektuhan ang trabaho at kabuhayan. Madaming nagsarang pagawaan at establisyamento dahilan upang

Barbie Imperial, isa nang ganap na ‘Barbie’ Doll sa kanyang 23rd Birthday photoshoot!
US-Based, Pinay aesthetician reveals which celebrity have the most beautiful skin.
Ito na ang masayang buhay ng dating MYX VJ na si Geoff Eigenmann kapiling ang pamilya.

Sa dumaang pandemya sa bansa madaming pilipino ang naapektuhan ang trabaho at kabuhayan. Madaming nagsarang pagawaan at establisyamento dahilan upang mawalan naman ng trabaho ang ilan sa mga pilipino.

Kani kaniyang paraan ang bawat isa kung paano maiisu-survived ang pang araw-araw na kakainin. Katulad nalang ng artist/comedian na si Gladys Guevarra na sa kabila ng kasikatan ay pinasok niya ang pagtitinda ng kung ano- anong pagkain.

Hindi nga biro ang anim na buwan na lockdown madami ang nahirapan sapagkat nawalan sila ng trabaho dahil sa pagsasara ng ibat ibang kompanya o pagbabawas ng tao.

Ngunit sadyang iba nga siguro ang diskarte ng mga pinoy pagdating sa mga ganitong pagkakataon. Lumalabas ang pagiging malikhain at madiskarte ng mga ito.

Dahilan upang patuloy silang lumaban sa buhay sa kabila ng nangyayaring pandemya sa bansa. Positibo parin ang ilan na matatapos din ito.

Sa social media nga ay inamin ni Gladys na ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagtitinda ng sarit saring pagkain. Hindi ito ikinahihiya ng komedyante dahil dito siya kumukuha ng pangkabuhayan niya. Katulad ng iba apektado din ang kaniyang trabaho dahil sapagkat walang mga komedy bar na bukas ngayon upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Sa una ay madami daw tumaas ang kilay kapag nakikita si Gladys na nagtitinda nagtatanong daw ito bakit nagtitinda siya ganung artista siya. Sinasagot nalang daw minsan ni Gladys na pag artista ba bawal na magtinda at wala naman daw siguro umanong requirements ang pagiging tindera na bawal pag artista.

Gayunpaman madami padin ang humanga sa pagiging madiskarteng ito ni Gladys. Wala naman dapat ikahiya bastat marangal ang iyong ginagawa. Madami ang bumilib sakanya sa walang kaare arte niyang pagtitinda at pagiging natural na tao.

Madaming itinuro ang pandemyang ito sa mga tao lumabas ang talento ng madami sa ibat ibang aspeto merong sa pagluluto, pagsasayaw, pagkanta at iba pa. Ngunit ganun pa man ang importante ay ang pagiging masaya ng bawat isa sakanilang mga ginagawa.

 

COMMENTS