Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.

Dalawang bata na namataang namimili ng damit upang ipangreregalo sa kanilang ina, kinahangaan ng netizens.


Batid ng maraming ina ang hirap tuwing nagbubuntis, at ang sakripisyo naman sa pagsilang nila sa mundo. Kaya naman sa panahon na nagpapakita ng pagmam

Comedian na si Jose Manalo, may anak palang ubod ng ganda at lisensyadong doktor! Beauty and brains!
Kilalanin ang proud Pinay na nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa University of Houston.
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, had their Valentine’s dinner cooked by three little chefs!

Batid ng maraming ina ang hirap tuwing nagbubuntis, at ang sakripisyo naman sa pagsilang nila sa mundo. Kaya naman sa panahon na nagpapakita ng pagmamahal ang mga ito ay talagang nakaka-antig ng puso. Lahat ng hirap, pagod at pagtitiis na pinagdaraanan ay sulit na sulit basta’t masaya ang anak.

Kaya naman nang maibahagi ang kwento ng dalawang bata na namili ng damit para sa birthday ng kanilang ina, ay tumusok sa puso ng maraming netizens. Ikinatuwa at hinangaan ang dalawang bata na namimili ng damit para sa kanilang ina. Pahayag ng ilan ay napakaswerte umano ng ina ng mga ito dahil mayroon siyang dalawang maalalahanin at mapagmahal na anak.

Mula sa facebook user na si Sarah Alexandrea Daculap, ay nagbabantay ito sa kanilang tindahan nang pumasok ang dalawang bata at nagsimula agad mamili mula sa mga nakadisplay na damit.

May be an image of outerwear

Nacurious umano si Sarah dahil mukhang determinado ang dalawa na makahanap ng damit. Nagpasya itong lumapit at tinanong ang mga binatilyo kung para kanino ang damit na hinahanap nila. Sumagot naman ang dalawa na para umano sa kanilang ina ang damit. Ipangreregalo nila umano ito dahil kaarawan ng kanilang ina.

Mistulang nagulat naman si Sarah at naisipang kuhanan ng litrato ang dalawa. Ibinahagi nito sa kanyang facebook ang pangyayari, at umani ng positibong komento mula sa mga Netizens. Sa ngayon ay umabot na ng 20k shares at 50k reactions ang post ni Sarah. Ilan sa mga netizens ay natuwa sa effort ng dalawang bata, at ang ilan naman ay nagkomento na napakaswerte raw ng ina ng dalawa.

Tunay na nakakaantig ng puso ang munting regalo ng dalawa para sa ina nila na may kaarawan. Hindi maitatanggi na ang ilan sa kabataan ngayon ay nauubos ang oras sa mga bagay na pinagkakaabalahan at nakakalimutan na tumatanda na ang kanilang magulang. Sana’y mag mistulang paalala ang kwentong ito sa kabataan na pahalagahan ang kanilang mga magulang habang nayayakap pa nila ang mga ito.

 

COMMENTS