Toni Gonzaga ibibigay ang isang kita ng Vlog kay “Hipon Girl” hinangaan ng Madami

Toni Gonzaga ibibigay ang isang kita ng Vlog kay “Hipon Girl” hinangaan ng Madami


Sa buhay may kasabihan tayong matutong magsiksik upang sa oras ng kagipitan ay mayroon tayong madudukot. Sa dumating na pandemya sa ating bansa ay

Batikang aktres at tinaguriang ‘Queen of Philippine Movies’ na si Susan Roces ay nilisan na ang industriya!
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!
Anak ni Lolit Solis, hindi na nakapagpigil na pagsabihan ang ina matapos nitong batikusin na lang lagi ang singer-actress na si Angeline Quinto.

Sa buhay may kasabihan tayong matutong magsiksik upang sa oras ng kagipitan ay mayroon tayong madudukot.

Sa dumating na pandemya sa ating bansa ay napakadaming taong naapektuhan. Hindi man kilalang personalid at kilala ay talagang apektado. Madami ang nawalan ng trabaho kaya naman kung usapang pangkabuhayan ay halos lahat ay tunay na naapektuhan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Isa na nga sa isang sikat na personalidad na apektado sa nagdaang pandemya ay si Herlene o mas kilala sa tawag na “Hipon Girl”. Siya ay unang nakilala sa Show ni Willie Revillame na Wowowin.

Isa lamang siyang contestant noon ng isang segment. Ngunit sa kaniyang paglalaro na iyon sa wowowin ay madaming natuwa sakanyang personalidad dahil sa kaniyang pagiging makulit at prangka. Nagtrending ito at humakot ng madaming views.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Madami ang humiling na sana kunin siyang host ng nasabing programa. At dun nga nagsimula ang buhay artista ni “Hipon Girl”.

Ngunit nitong dumaang pandemya ay nawalan siya ng kabuhayan dahil ipinagbawal nga muna ang mga live show sa tv.

At sa kaniyang panayam kay Toni Gonzaga sa Vlog nitong “ToniTalks” ay inamin ni Herlene “Hipon Girl” ang tunay na sitwasyon niya ngayon.

Inamin niyang back to zero daw siya at wala nang mapagkunan ng pera na maisusuporta sa kaniyang pamilya. Malungkot ang dalaga at ganun daw kabilis natapos ang career niya sa pag aartista.

Nasabi niya ding ang ipon niyang pera ay naubos lahat nitong pandemya sapagkat wala naman daw ibang aasahan ang kaniyang pamilya kundi siya lang.

Nalulungkot umano siya kapag may mga nagttext o nagtsa chat sa kaniya at humihingi ng tulong kase wala naman daw talaga siyang maibibigay.

 

Nang tanungin ni toni kung saan siya kumukuha ng panggastos nila ngaun ay ganito ang naging tugon ng dalaga “Pag may raket po, nagpapa-post, ‘yung ganun, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi ‘pag wala po ‘yun, wala po akong pagkukunan,”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Wala ngang ibang hangad ang dalaga kundi ang matulungan ang kaniyang pamilya. Hindi daw siya mapapagod na araw araw gumawa ng paraan para sa kaniyang pamilya .

Naging malaking aral nga sa dalaga ang nagdaang pandemya narealize niya na ang lahat ng bagay ay pansamantala lang maaaring ngayon ay mayroon ka bukas ay wala na. Kaya mas maigi paring mag impok para sa kinabukasan.

 

Sa pagtatapos ng Vlog ni Toni Gonzaga ay nakalagay doon na “Proceeds of this vlog will all go to Herlene.”

Ito nga siguro ang paraan ni Toni Gonzaga upang matulungan ang dalaga.

Umani nga ng madaming komento ang Vlog na ito ni Toni Gonzaga madami ang humanga sa kabaitang ito ni Toni.

 

COMMENTS