Tila buong mundo na ang nababalot ng K-fever mula sa mga hit na Korean Dramas hanggang sa mga kilalang K-pop idols. Isa na ang Pilipinas sa may pinaka
Tila buong mundo na ang nababalot ng K-fever mula sa mga hit na Korean Dramas hanggang sa mga kilalang K-pop idols. Isa na ang Pilipinas sa may pinakamalalaking fan base ng mga ito at avid supporters. Kahit ang mga K-Dramas ay nire-create ng Pinoy version na siyang tinakilik din ng marami.
Subalit papaano kung ang mga Pinoy male celebs na siyang iniidolo natin ay maging.. ‘Oppa’?
Mula sa video na ibinahagi ng lowcostedit, ay ipinakita nila ang magiging hitsura kung sakaling Koreano ang mga hinahangaan nating Pinoy male hunks sa telebisyon.
Coco Martin
Jake Cuenca
Enchong Dee
John Lloyd Cruz
Dennis Trillo
Alden Richards
James Reid
Enrique Gil
Aliw na aliw naman ang mga netizens sa editing na ito. Umabot naman ng 2Million views sa facebook ang mismong video, at 83k reactions. May mga netizens na nagcommento ng, “Wow! Almost lahat cute and Lalo na si enrique Gil may pagkahawig sila ni Eun woo.”
“Their own natural look are still better specially James♡︎”
“Si james reid parang si Scuops ng seventeen.”
“Ako lang ba nakapansin na prang wlang pinagbago mukha ni enrique, mukha pala syang koreano tlga.”
Kahanga-hanga ang editing skills na ipinamalas ni lowcostedit. Panoorin ang buong video transformation rito:
disclaimer: ang lahat ng larawan ay screenshot mula sa video ng lowcostediting.
COMMENTS