New Normal: Mobile Graduation ng isang paaralan sa Antique, gumamit ng kalabaw.

New Normal: Mobile Graduation ng isang paaralan sa Antique, gumamit ng kalabaw.


Marami ang mga grumaduate virtually ngayong taon. Bagamat hindi nakatapak sa entablado ay naranasan naman ng mga ito ang formal na graduation ceremony

Kilig! Courier rider falls in love with a customer, finally gets a happily ever after.ł
Revenge Body ng babaeng iniwan ng kanyang boyfriend dahil sa kanyang katabaan, umani ng papuri.
Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.

Marami ang mga grumaduate virtually ngayong taon. Bagamat hindi nakatapak sa entablado ay naranasan naman ng mga ito ang formal na graduation ceremony sa kanilang mga bahay dahil sa tulong ng internet connection. Subalit, sadyang may mga lugar sa bansa na walang internet connection at ang mga estudyante ay walang kakayahan upang makapagdaos ng ‘virtual graduation’.

Tulad na lamang sa Antique, kung saan ay bundok and layo ng mga estudyante sa kanilang paaralan. Marami sa estudyante ng Lawigan Elementary School sa Tobias Fornier ang hindi makakaranas ng graduation ceremony nang dahil sa pandemya. Ang mga guro naman ng nasabing eskwelahan ay gumawa ng paraan upang mapagbigyan ang mga estudyante nila sa kanilang mga pangarap.

May be an image of balloon, tree and outdoors

Sama-samang bumuo ang mga guro ng isang karosa na magsisilbing ‘mobile graduation’ ng mga estudyante. Gawa sa kahoy, balloons at tela ay dinesenyo ng mga ito ang maliit na entablado para sa okasyon. Isa sa mga nakakatuwang detalye ng mobile graduation na ito ay, ang paggamit ng mga guro ng kalabaw.

May be an image of 1 person, animal and outdoors

Ang kalabaw ay pagmamay-ari ng isa sa mga guro, ito ang hahatak sa maliit na karosa na dadalhin sa harapan ng bahay ng bawat estudyante. Sa kasamaang palad, isang araw bago ang nakatakdang graduation ay umulan. Dahil dito ay naging putikan ang daanan paakyat ng bundok kung saan nakatira ang karamihan ng 13 na estudyanteng nakatakdang grumaduate.

May be an image of 3 people, people standing, balloon and outdoors

Isa-isang pinuntahan ng mga guro ang bahay ng mga estudyante para sa isasagawang mobile graduation. Kasama pa rin ang mga health protocols na itinakda ng gobyerno ay suot-suot ng mga estudyante ang kanilang face mask at hawak-hawak ang mga medalya at certificate ng mga ito. Tuwang-tuwa naman ang mga estudyante at sa wakas ay mararanasan nila ang na graduation sa kabila ng pandemya.

May be an image of outdoors and text that says 'SCHOOL MOBILE RADUATION SY2020-2021 KALIDAD G DUKASYON LALONG PATATAGIN SA GITHA PANDEMYA"'

May be an image of 1 person and standing

Agad namang nagviral ang Caroza-Kalabaw sa social media at isa sa mga humanga ay si Senator Loren Legarda na nagbigay papuri sa mga guro ng LES. Pahayag ng senadora, With the help of their carabao – ‘driven’ by her Kagawad husband – with a decorated carroza to serve as stage for the students, and with her daughter as photographer, teacher Rosalina along with her 2 co-teachers and their principal of Lawigan Elementary School in Tobias Fornier town plowed through the muddy terrain of Sitio Taptapan to award medals and certificates to its graduating students: 9 from grade 6 and 4 from kinder.”

 

Ang graduation-carroza ay mayroong pahintulot mula sa DepEd Region 6 ayon kay DepEd Antique superintendent Felisa Beriong.

 

Disclaimer: Ang lahat ng larawan ay mula kay Charmie Serguino.

COMMENTS