PWD Rider, namataang sinugod ang ulan para lamang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay.

PWD Rider, namataang sinugod ang ulan para lamang maipagpatuloy ang paghahanapbuhay.


Patuloy na nabibigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay sa gitna ng dinaranas na pamdenya ang ating mga kababayan. Mapa online man o hindi ay onti-o

Kakaiba at nakakamangha na maternity photos, ginawa lamang sa loob ng bahay habang naka quarantine.
Teenager na kumikita ng P150k kada buwan sa pagbebenta ng kangkong chips, pinahanga ang netizens.
Filipina Scientist who invented the Banana Ketchup and saved lives gets recognized by Google

Patuloy na nabibigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay sa gitna ng dinaranas na pamdenya ang ating mga kababayan. Mapa online man o hindi ay onti-onting bumabangon ang mga Pilipino sa sinapit na paghihirap nitong mga nakaraang taon.

Laganap na rin ang mga delivery companies sa bansa kung saan sila ang nagsisilbing tulay para sa mga negosyante at consumer. Isa sa nakakahanga sa mga kompanyang ito ay ang pagkakaroon ng diversity sa mga tao na pwedeng magtrabaho rito.

Bagamat may mga fake bookings na madalas mabalita ay patuloy ang mga ito na magbigay ng mabuting serbisyo para sa mga mamamayan. Sa ilalim ng init at hagupit ng ulan ay patuloy ang mga ito sa kanilang dedikasyon sa trabaho. Isa na rito ang PWD driver na nagviral dahil sa isang post ng netizen.

May be an image of one or more people and outdoors

Ayon rito ay inaabangan nito ang kanyang delivery nang may lalaking nakamotor na pumarada sa harap ng bahay nila. Dahil na rin sa lakas ng ulan ay naka-suot ng kapote ang rider. Napansin naman agad ng netizen ang saklay na nakalagay sa harap nito. Sa una ay inakala ng netizen na delivery item ng rider ang naturang saklay.

May be an image of motorcycle, street and road

Kaya naman ay laking gulat nito nang bumaba sa motor bike ang lalaki at ginamit ang saklay upang lumapit sa kanya ay ibigay ang kanyang order. Sa kabila ng kapansanan nito ay nagagawa nitong magtrabaho upang makapaghanap-buhay para sa pamilya. Agad naman ibinahagi ng netizen ang pangyayari sa kanyang facebook account at umani ng positibong komento sa mga nakabasa nito. Tila inspirasyon umano ang rider at nakakahanga sa sipag at dedikasyon nito sa trabaho. Basahin ang post ng netizen rito.

 

 

COMMENTS