Scene sa movie na “Crazy Rich Asians”, ginaya ng isang lalaki para magpropose sa kanyang girlfriend.

Scene sa movie na “Crazy Rich Asians”, ginaya ng isang lalaki para magpropose sa kanyang girlfriend.


Isa sa pinakamasayang parte ng buhay ng mga babae ang wedding proposal. Isa ito sa mga inaasam ng mga kababaihan. Ibang level na nga kapag ang lalaki

Dating komedyante na si ate glow ibang-iba na ang itsura ngayon at nahanap ang kanyang forever sa isang Briton.
Lovely Abella, nakabili na ng bahay dahil sa pag o-online selling.
Barista received $100,000 (P5Million), after being posted online by a customer who won’t wear a face mask.

Isa sa pinakamasayang parte ng buhay ng mga babae ang wedding proposal. Isa ito sa mga inaasam ng mga kababaihan. Ibang level na nga kapag ang lalaki ay nagpropose na sa babaeng kaniyang minamahal. Isa lang ito sa katunayan na nais niya itong makasama habang buhay.

Ngunit ang wedding proposal ay hindi basta-basta. Ito ay pinaghahandaan tulad din ng ibang malalaking okasyon. Ito ay pinag-iisipang mabuti para naman tiyak na “oo” talaga ang isasagot ng kasintahang babae.

Minsan lang ito mangyayari sa parte ng buhay ng dalawang magkasintahan kaya kailangan maging memorable ito sa bawat isa.

Katulad nalang ng ginawa ng Singaporean na si Alfred Tan dahil sa kagustuhan niyang maging kakaiba ang kaniyang wedding proposal ay ginaya niya ang proposal sa isang Mahjong scene ng ‘Crazy Rich Asian’.

May be an image of rose

Ayon sa kaniyang fiancee ay nakumbinsi siya ng kaniyang kaibigan na ifilm ang kanilang gagawing laro sapagkat gagayahin nga nila ang scene sa nasabing palabas.

Wala daw siyang kaalam alam sa plano ng kaniyang nobyo. Dahil pareho nilang interes ang paglalaro ng mahjong ay pumayag lang daw siya sa nais ng mga ito.

At dahil nga daw ang pagkakaalam niya ay may gagayahin lang silang scene ay nakaayos din daw umano sila. Para naman magmukhang maganda sa camera.

Nagsimula daw ang kanilang laro na katulad ng nakasanayang laro na itatapon mo ang mga mahjong tiles na hindi mo gusto. Ngunit lahat ng tapon na tiles ni Alfred ay planado at pinagisipan upang hindi naman mahalata ng kasintahan.

Lahat nga daw ay planado hanggang sa umabot na sa natatalo na si Jeraldine at kailangan niyang ibigay ang isang tiles kay Alfred kung saan ito nalang ang tiles na kulang upang mabuo ang salitang ‘Will you Marry Me’.

At nang dumating na nga ang oras upang iharap sa bawat isa ang kanilang mga mahjong tiles ay nagulat si Geraldine sa kaniyang nabasa.

Nakalagay nga doon ang salitang ‘Will you Marry Me’ sabay sabi pa daw ng fiancee na talo ka kaya ang kabayaran doon ay ang iyong buong buhay. At doon na daw lumuhod si Alfred at nagpropose.

May be an image of one or more people, people standing and indoor

Ibinahagi naman ni Jeraldine ang pangyayari sa social media. Naikuwento din ni Jeraldine na limang taon na silang magkasintahan ni Alfred. At siya nga daw umano ang nagturo dito pano maglaro ng mahjong kaya siguro ito nadin ang naisip niyang gamiting way sa proposal nila dahil pareho nilang hilig ito.

May be an image of 2 people and rose

Dahil sa kakaibang proposal na ito ni Alfred ay umani ito ng ibat ibang reaksyon na talaga namang hinangaan ng madami dahil sa pagiging creative na ito ni Alfred. Umabot na nga ito ng 3000 shares, 1300 likes at 500 na comments.

Ganunpaman anong klaseng proposal man yan basta bukal sa iyong puso ay tiyak na magugustuhan ng iyong magiging kabiyak habang buhay.

Congratulations sa inyong dalawa!

Disclaimer: Ang mga larawan ay mula sa post ni Jeraldine.

COMMENTS