Kasalan na literal na hindi nagpatinag sa hagupit ng bagyo, mala-pelikula sa kilig!

Kasalan na literal na hindi nagpatinag sa hagupit ng bagyo, mala-pelikula sa kilig!


Ika nga ni Kuya Kim Atienza, ‘weather-weather lang yan!’ Naranasan mo na bang umibig? Talagang sa pagkakataon na umibig ang tao ay tila tumitig

Tinaguriang ‘heroic-nanny’ ang isang Pinay caregiver sa Canada matapos iligtas ang dalawang alagang bata.
Italyanong napadpad sa Pilipinas, natagpuan ang kanyang soulmate sa isang Pinay nurse.
Kilalanin ang Isang lalaking double-degree holder, ngunit mas piniling maging isang farmer!

Ika nga ni Kuya Kim Atienza, ‘weather-weather lang yan!’

Naranasan mo na bang umibig? Talagang sa pagkakataon na umibig ang tao ay tila tumitigil ang mundo nito, at gagawin ang kahit ano basta’t makapiling ang minamahal. Darating ang panahon na handa na ang dalawa na ikasal at ito ang araw na hinding-hindi makakalimutan ng mag-asawa. Subalit sadyang mapaglaro ang tadhana.

May be an image of 2 people, people standing and outdoors

Isang couple ang nagviral matapos nila ipost ang mga photos ng kanilang wedding ceremony. Naging mala-‘The Notebook’ ang eksena nang ganapin ang first kiss at ‘I Do‘, ng mag-asawang sina Guerlain at Carl dahil sa biglaan na pagdating ng malakas na ulan. Ang akala nilang simpleng wedding ceremony, naging ‘most-romantic wedding ceremony’ ng taon.

May be an image of outdoors

Pagbabahagi ni Guerlain Felice Arada-Crauz, “We prayed for this day. Nagdasal kami for the venue, for the guests and for the perfect moment para sa kasal namin.” Little did they know, nasagot nga ang kanilang hiling. Ginanap ang kasalan sa Rancho de Cabileo-Gateway to Colosboa Hills kung saan ay makikita ang napakagandang wedding set-up. Pagkukuwento ni Guerlain, Nu’ng umagang ‘yun, tirik na tirik ‘yung araw. It was the perfect set-up.”

May be an image of outdoors

Pero nu’ng turn ko na para mag-march sa aisle, doon na nagsimulang dumilim.

Habang naglalakad ako, umaambon na.

At nu’ng nandoon na ako sa altar, bumuhos na ‘yung ulan.

I was about to question God, ‘Why?’”

May be an image of 1 person, standing and outdoors

Hindi na maitago ni Guerlain ang pangamba na masisira ang kanyang dream wedding. Bagamat nasa altar na ay umaasa pa rin itong aaraw muli. Ayon kay Guerlain, “Pero tiningnan ko ‘yung mga guest namin, ‘yung prinicipal sponsors, ‘yung mga abay, even the pastor, sumisigaw sila.

‘Tuloy ang kasal! ‘Wag tayong aalis. ‘Wag natin iiwan ang couple!’

They were cheering for us.”

May be an image of one or more people, people standing and outdoors

Bilib naman si Guerlain sa supporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. “Na-lift ‘yung spirits ko and I thought to myself, ‘Ito pa rin ‘yung dream wedding na binigay ni Lord.’ Sabi ko sa kay Carl, ‘This is one of the most unforgettable and unique wedding experiences.’”

May be an image of 2 people, people standing and outdoors

Mapapanood sa Kapuso Mo, Jessica Soho sa Linggo ang mala-the notebook na wedding ceremony nila Guerlain at Carl.

May be an image of 12 people, people standing and outdoors

May be an image of 8 people, people standing and outdoors

Ang pagbuhos nga ba ng ulan sa kasal ay may masamang pangitain? Sa katunayan, sa ibang kultura kapag umulan sa kasal ang kahulugan umano ay ‘fertility’ and ‘cleansing’. Isang biyaya umano ang pag-ulan sa kasal, isa sa mga unique at posibleng pinaka magandang dulot nito, ay ang magandang rainbow na nagpapakita matapos ang ulan. Posibleng nagsesenyales ito ng magandang kinabukasan sa kabila ng mga pagsubok na kanilang napagdaanan.

COMMENTS