Viral story ng mag childhood friends na nagkahiwalay, at muling nagtagpo nang dahil sa Tiktok.

Viral story ng mag childhood friends na nagkahiwalay, at muling nagtagpo nang dahil sa Tiktok.


Isa sa mga usong-uso na app ang Tiktok kung saan ay madaling makakapagshare ng mga bidyo ang mga users nito. Maliban sa nakakawiling mga video na mapa

Indonesian Surfer at Napakagandang British Girl na may nakakakilig na love story.
Isang napaka-swerteng bride ang nakatanggap ng nakakalulang Php1 million savings mula sa kanyang groom!
Viral ang pagiibigan ng magkasintahan na nagsimula sa unang… kopyahan?!

Isa sa mga usong-uso na app ang Tiktok kung saan ay madaling makakapagshare ng mga bidyo ang mga users nito. Maliban sa nakakawiling mga video na mapapanood ay napapakinabangan rin ang platform sa pagshare ng mga impormasyon. Ito ang ginamit ni ‘Yen’ o ni Julienne Karl Genove nang maisipan nitong hanapin ang childhood friend na matagal na nitong hindi nakikita.

May be an image of child, standing and indoor

Labing-apat na taon nang hindi nakikita ni Julienne ang childhood bestfriend nitong si Kenneth, kaya naman ay naisipan nitong gumawa ng Tiktok video. Agad naming nagviral ang video ni Yen, na ikinasiya ng dalaga dahil mukhang makikita na nito ang hinahanap na kaibigan.

May be an image of 1 person, child, people kissing and indoor

Sa kasamaang palad, ay marami rin ang ‘Kenneth’ na sumulpot at inaakong sila umano ang hinahanap ni Yen. Subalit sadyang may gusto iparating sa kanya ang tadhana, dahil isang DM o direct message ang natanggap ni Yen na nagsasabing, kilala nito ang childhood friend na hinahanap nito.

May be a closeup of 2 people, people standing and text that says 'GMA'

May be a closeup of 2 people and outdoors

Ito pala’y si Kenneth Espanol na nakatira sa Palawan, Quezon, may tatlong oras ang layo sa bahay nila Yen. Natulungan naman sila ng programmang Kapuso Mo, Jessica Soho, upang sa wakas ay makapagkitang muli. Binatang-binata na si Kenneth subalit sadyang mahiyain ito. Ayon rito ay natatandaan rin nito umano ang dating kalarong babae na matagal na nitong hindi nakikita.

May be an image of 2 people, people standing and indoor

Nabigyan naman ng pagkakataon si Kenneth na mapuntahan si Yen. Isang nakaka-kilig na eksena ang bumugad sa pamilya ni Yen at sa crew ng KMJS sa muling pagkikita ng dalawa. Nagkakahiyaan pa sa umpisa ngunit sa katagalan ay nagkapalagayan rin ng loob ang magkababata. Ayon naman kay Yen ay balak ng dalawa na ituloy ang komunikasyon nilang dalawa ni Ken at masayang-masaya sila na muli silang nagkita. Maraming netizens naman ang hindi maiwasang kiligin sa kwento ng dalawa.

Mapapanood ang kwento nila Yen at Ken dito.

COMMENTS