Kilalanin ang beauty queen girlfriend ng sikat na vlogger na si Ranz Kyle

Kilalanin ang beauty queen girlfriend ng sikat na vlogger na si Ranz Kyle


Naging maganda ang dulot ng vlogging sa mga kababayan natin na nais ipakita ang kanilang talento. Tulad na lamang ng sikat na vlogger na si Ranz Kyle.

‘Huli!’ Bea Alonzo unwittingly shows her phone and this man was the last one to call her
Silipin ang cute na mermaid-themed baby shower ni Sam Pinto.
Kiko Estrada, hindi umano pinagsabay sina Devon at Heaven.

Naging maganda ang dulot ng vlogging sa mga kababayan natin na nais ipakita ang kanilang talento. Tulad na lamang ng sikat na vlogger na si Ranz Kyle. Bagamat binata pa lamang ay nagagawa na nitong makalikom ng fans at kumita mula sa vlogs nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ranz Kyle (@ranzkyle)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ranz Kyle (@ranzkyle)

Kasama ang kanyang step-sister na si Niana, ay madalas nilang ipakita ang kanilang galing sa pagsasayaw sa kanilang YouTube channel na “Ranz and Niana”. Isa na sa influential personalities ang magkapatid lalo na sa larangan ng pagsasayaw. Hindi na rin nakapagtataka a dumami ang tagahanga nito lalo na’t nakakabilib ang mga dance steps at nakakaaliw panoorin ang videos nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ranz Kyle (@ranzkyle)

2008 nang nagsimula ng YouTube channel si Ranz, at lingid sa marami ay naging kabilang si Ranz ng defunct all-boys group na Chicser noong taong 2010. Nagkaroon rin ito ng mga projects sa TV5 sa pag acting tulad ng series na: “Wattpad Presents: That Girl”. Hindi na rin kataka-taka na karamihan ng fans nito ay mga kababaihan dahil sa taglay na kagwapuhan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milissa Grande (@milissagrande)

Kamakailan lamang ay naging usapin ang pagbati sa kanyang kaarawan ng isang magandang dalaga sa vlog nito. Ito ay ang beauty queen na si Milissa Grande. Kironohan si Milissa noong 2019 bilang Miss T&C Universe Canada 2019. Minsan naring naging representative ng Canada ang talaga sa isang patimpalak na ginanap abroad. Talaga namang napakaganda nito, at nang batiin nito si Ranz ay nagpaulan naman ng panunukso ang mga kapatid nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milissa Grande (@milissagrande)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milissa Grande (@milissagrande)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milissa Grande (@milissagrande)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Milissa Grande (@milissagrande)

Tubong Tarlac si Milissa ngunit lumaki ito sa Canada at ngayo’y nasa Pilipinas upang ipagpatuloy ang karera sa bansa. Siya’y isang modelo  at singer. Madalas rin nito ipagmalaki ang mga obra na ipininta nito sa kanyang Instagram account. Bagamat marami ang curious sa kanilang relasyon ay nananatili namang pribado ang dalawa at mas piniling magenjoy sa kanilang relasyon labas sa mata ng publiko. Hindi naman ito naging issue sa fans ng dalawa at patuloy ang pagsupporta ng mga ito sa kanilang relasyon.

COMMENTS