Customer na dinepensahan ang isang stay-at-home Dad, nagpahayag ng importanteng mensahe para sa mga anak na babae.

Customer na dinepensahan ang isang stay-at-home Dad, nagpahayag ng importanteng mensahe para sa mga anak na babae.


“She’s going to learn not to settle to the next pretty boy..” Sadyang nanonoot pa rin sa lipunan ang makalumang tradisyon sa pagpapalaki ng kanilan

P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.
Pilit na tinapos ng isang binata ang kanyang module sa tabi ng drive-thru sa isang fastfood chain.
Security Guard, hinangaan dahil sa kanyang pagtulong sa mag-amang naligaw at walang makain.

“She’s going to learn not to settle to the next pretty boy..”

Sadyang nanonoot pa rin sa lipunan ang makalumang tradisyon sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Bagamat bagong dekada na ay mayroon pa rin mga tao na mapaghusga sa kalagayan ng iba. Sa ibang lugar ay hindi maganda ang tingin nila sa mga sta-at-home dad. Kaya naman ay isang social experiment ang isinagawa ng programang ‘What Would You Do?’ upang mabuksan ang topic na ito.

May be an image of 3 people, people standing, people sitting and indoor

Sa isang restaurant sisinagawa ang social experiment, at nakapwesto na ang mga aktor na nagpapanggap na customer. Nang may customer na umupo malapit sa mga aktor ay nagsimula na ang mga ito sa social experiment. Isang stay-at-home dad na si Ray ang kasalukuyang kumakain kasama ang kanyang anak na babae na si Zoe. Habang masaya ang mag-ama ay napansin ito ng dalawang babae na nakaupo malapit sa kanila. Sila ay mga aktor lamang. Ang layunin nito ay upang malaman kung ano ang gagawin ng regular na customer sa ganitong pangyayari. Subalit sa episode na ito ay isang matinding aral pala ang matututunan nating lahat.

May be an image of 3 people, people sitting, people standing and indoor

Nagkomento ang mga aktor na babae sa galing ni Ray mag-alaga ng kanyang anak na babae. Inamin naman ni Ray na full time stay-at-home dad ito. Dito na nagsimula ang pangungutya ng mga babae at pinagtawanana ito dahil hindi umano ‘trabaho’ ang pagiging stay-at-home dad at wala itong tunay na trabaho.

May be an image of 2 people and indoor

Malapit sa kanilang lamesa ay nagsalita ang isang babae na nakasalamin. Hindi man ito napangalanan ng show ay siguradong matatandaan ninyo ang mga sinabi niya. Ayon rito, “I think it’s wonderful. I would’ve loved my father to stay at home with me.”

May be an image of 1 person and text that says 'would've loved my father to stay at home with me.'

Napatingin sa kaniya at hindi makapaniwala ang mga babaeng nangungutya sa ama. Ipinagpatuloy naman ng babaeng nakasalamin ang pagpapaliwanag, “I was closer to my dad. I would have loved it.”

Nagtanong naman ang isang babae kung hindi ba sa tingin nito na nakakawala ng pagka-lalaki ang pagiging stay-at-home dad. Ayon sa babaeng nakasalamin, “I don’t think its emasculating. I think it’s the twenty-first freaking century and people can choose to do whatever the hell they want to do.”

May be an image of 1 person and text that says 'and people can choose to do whatever the hell they want to do.'

At heto na nga ang matinding mensahe na ibinahagi nito, “What she’s going to learn from him is that men can be nurturing and flexible and dependable, and she’s going to learn to respect herself.”

“And she’s going to learn not to settle for the next pretty boy that says nice things to her, because she’s going to know, ‘my daddy’s got my back’.”

“That is 100% the most important lesson I learned.”

May be an image of 1 person and text that says 'And she's going to learn not to settle for the next pretty boy'

Hindi naman nakapagsalita ang dalawang babae at agad na lumabas ang crew ng palabas upang purihin siya sa kanyag mga sinabi. Sadyang malaki ang naitutulong ng mga stay-at-home dads at mahalaga na bigyan ng bawat magulang ng oras na makasama ang kanilang mga anak dahil ito ang tunay na trabaho ng pagiging magulang.

 

Saludo po kami sa mga magulang na ibinubuhos ang kanilang oras o kaya naman isinasantabi ang kanilang mga pangarap sa buhay para lamang magalaga ng kanilang mga anak.

Kayo po ay tunay na mga bayani.

 

Disclaimer: Ang mga larawan ay screenshot mula sa video ng ‘What Would You Do?’

COMMENTS