Mahigit 20,000 na bikers ang nagkaisa na bumisita sa bahay ng isang 6-anyos na bata na may cancer.

Mahigit 20,000 na bikers ang nagkaisa na bumisita sa bahay ng isang 6-anyos na bata na may cancer.


Nakakapanindig balahibo ang dami nang rumesponde sa panawagan ng mga magulang ng 6 anyos na bata sa Germany. Isang bata sa Germany ang na-diagnose

P1 Million ang naipon ng isang OFW nang magdesisyon itong ihinto ang paninigarilyo at online games.
Man and wife earns P50,000/month for making vlogs about his life in the province.
Magkasintahan na nagipon ng barya, umabot na sa isang Milyon!

Nakakapanindig balahibo ang dami nang rumesponde sa panawagan ng mga magulang ng 6 anyos na bata sa Germany.

Isang bata sa Germany ang na-diagnose ng leukemia (blood cancer) at sa kasamaang-palad ay nasa malalang stage na ito. Sadyang ikinadismaya ito ng pamilya subalit hindi nawawalang ng pag-asa ng mga ito na gagaling ito sa sakit. Naisipan ng pamilya nito na palakasin ng loob nito sa pamamagitan ng motorbikes. Mahilig umano ang bata sa motorbikes, at ito ang nakakapagbigay ngiti sa kanya.

Kaya naman ay sa effort na mapasaya ang anak sa kabila ng kalagayan nito ay nagpost ang pamilya ng panawagan sa twitter na kung maari ay may mga bikers na dumaan sa harap ng bahay nila. Nakiusap pa ang mga ito sa isang local bike club na kung maaari ay dumaan sa harap ng bahay nila. Bagamat kakaiba ang pakiusap nila ay umaasa pa rin ang mga ito na may higit 30 to 40 na bikers ang dadaan sa harap ng bahay nila para makita ng bata.

May be an image of motorcycle and road

Higit kumulang 20,000 bikers ang dumating at naki-isa sa parada sa harap ng bahay nila. Ang mga ito ay nagpaulit-ulit sa pagikot sa kanilang lugar para lamang mapasiya ang bata na may sakit. Sadayang nakakapanindig balahibo ang dami ng mga bikers na sumuporta at nagpalakas ng loob sa batang may sakit. Marami sa mga ito ay isinigaw ang kanilang suporta na gumaling ang bata sa sakit.

Mabilis na kumalat online ang panawagan ng pamilya ng bata. Bagamat hindi napangalanan ay tuloy pa rin ang pagsuporta ng mga ito sa bata. Karamihan sa mga sumali sa parada ay mga maliliit at malalaking biker club at mga simpleng tao na nagbigay oras para lamang makipagkaisa. Talagang ‘faith in humanity’ restored sa isang maliit na akto na ito. Nawa’y isa itong malaking tulong sa batang may sakit. Makikita ang video ng mga riders sa post ni Terrence Daniels sa kanyang YouTube Channel.

 

Disclaimer: Ang mga larawan ay screenshot mula sa video na ito.

 

 

COMMENTS