Ang friendly neighborhood lola na si Gina Pareño, naranasan pala maging tricycle driver noon!

Ang friendly neighborhood lola na si Gina Pareño, naranasan pala maging tricycle driver noon!


Si Geraldine Acthley o mas kilala sa screen name na Gina Pareño, ay may ama na half German-American at Pinay na ina. Noong 1960’s pinasok ni Gina ang

Sikreto sa pagkakaroon ng long distance relationship, ibinunyag ni Yam Concepcion.
Derek Ramsey, may pagbabalik tanaw patungkol sa kanyang mga exe’s na sina Andrea Torres at Angelica Panganiban. Ano naman kaya ito?
Comedian na si Jose Manalo, may anak palang ubod ng ganda at lisensyadong doktor! Beauty and brains!

Si Geraldine Acthley o mas kilala sa screen name na Gina Pareño, ay may ama na half German-American at Pinay na ina. Noong 1960’s pinasok ni Gina ang mundo ng showbiz kung saan ay madalas ito maging extra sa iba’t ibang pelikula hanggang sa nakuha nito ang atensyon ng madla at napabilang sa ‘Sampaguita Pictures’.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina Pareño (@yourlolagets)

Masasabing beterano na si Gina sa pasikot-sikot ng industriya ng showbiz, subalit bago pa man ito nakilala ay nakaranas ito ng paghihirap. Isang tricycle driver ito bago nakapag extra-extra sa mga pelikula. Nagbebenta rin ito ng pritong saging na naging isa sa pinagkukunan nito ng gastusin noon. Sa katunayan, nagawa pa nitong umakyat ng bakod ng building ng Sampaguita Pictures para lamang makapagbenta ng pritong saging sa mga empleyado nito. Kaya naman ay sadyang masipag at madiskarte si Gina pagdating sa trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina Pareño (@yourlolagets)

Pagbabahagi ni Gina, sampung piso lamang noon ang kinikita niya sa page-extra sa mga pelikula. Wala ito kamalay-malay noon na magkakaroon pala siya ng karera sa showbiz. Umusbong ang karera nito, ngunit tulad ng iba ay humarap rin sa matinding pagsubok ang aktres. Inamin nito na nagkaroon ito ng masamang bisyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gina Pareño (@yourlolagets)

“Yung akin naman na bisyo na yun, actually hindi naman ganun ka bisyo na adik na adik na akong ganun. Yung akin lang gusto kong tumikim, eh nadali ako sa tikim kaya ngayon maingat na ako. Dun ako nadali patikim tikim na ganun,” pagbabahagi ni Gina sa panayam ni Pia Arcanghel sa kaniya.

Sa tulong ng kanyang pamilya ay nagawa ni Gina talikuran ang bisyo. Sa ngayon ay bagamat 71-taong gulang ay maraming shows at pelikula ang ginaganapan ng aktres. Aktibo rin ito sa social media lalong-lalo na sa tiktok kung saan ay marami ang nagbibigay sa kanya ng pagbati at papuri. Isang netizen ang nagkomento, “Walang kupas ganda niyo Ms. Gina humahataw parin ang star ng 60’s. Sabi ng mama ko nakita ka na daw sa personal noon at gandang ganda siya sayo at bait pa. Pag nagpo-portray ka ng role masyadong natural acting niyo po, kumbaga busog na busog yung manonood.”

 

 

COMMENTS