Dating actress na si G Tongi, nakapagtapos ng Master’s Degree sa Los Angeles University.

Dating actress na si G Tongi, nakapagtapos ng Master’s Degree sa Los Angeles University.


Beauty and brains na si G Tongi, nakapagtapos na ng kanyang master’s degree in nonprofit management sa Antioch University sa Los Angeles, United State

Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.
“Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”, hinaing ni Sharon Cuneta kay PRD!
Silipin ang amazing ‘Glow-Up’ ni Miss Everthing na pang beauty queen na ang ganda.

Beauty and brains na si G Tongi, nakapagtapos na ng kanyang master’s degree in nonprofit management sa Antioch University sa Los Angeles, United States.

Kamakailan lamang ay ibinahagi nito sa kanyang Instagram account ang kanyang pagtatapos sa kanyang pagaaral. Aniya, “Graduate school in a pandemic was certainly unexpected and challenging but somehow here we are. We made it to the finish line!”

Maningning na future ang nagaantay kay G Tongi sa kanyang latest achievement. Dagdag pa ng aktres, Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Giselle “G” Töngi (@gtongi)

Inanunsyo ng aktres noong October 2019 ang kanyang planong pagaaral sa Los Angeles upang makuha ang kanyang master’s degree. Ayon rito ay nais nitong maipakilala ang Filipino Arts and Culture na syang adbokasiya nito. Di tulad ng iba na namamalagi na lang sa pagtatrabaho kaysa sa magaral ay mas pinili G Tongi na mas mapalawak ang kanyang kaalaman. Bagamat isa nang ina at asawa, ay nagawa nitong pagsabayin ang pagaaral. Nakuha nito ang kanyang bachelor’s degree in Communication noong 2011 sa University of California, Los Angeles.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Giselle “G” Töngi (@gtongi)

Aminado naman si G Tongi, na hindi naging madali ang pagiging ina at estudyante. Naibahagi nito sa isang interview na kakarampot na lamang ang tulog nito dahil nakakapag-aral lamang sya matapos matulog ng mga bata sa gabi. Subalit, ang mga pagsubok na ito ang naging dahilan upang magpursige at abutin ang tagumpay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Giselle “G” Töngi (@gtongi)

Matatandaan na dating aktres na si VJ Giselle Tongi o mas kilala bilang ‘G Tongi’. Narecruit si G Tongi noong 15 years old ito, na sumali sa “Star Circle Quest” na siyang naging daan nito sa industriya ng showbiz. Naging aktres, singer, modelo at host ito sa Pilipinas bago ito mag-asawa at mag migrate sa Los Angeles. Ang pinaka latest na proyekto nito sa showbiz ay ang 2018 film na ‘First Love’ kasama sina Bea Alonzo at Aga Muhlach.

COMMENTS