Viral ang pagiibigan ng magkasintahan na nagsimula sa unang… kopyahan?!

Viral ang pagiibigan ng magkasintahan na nagsimula sa unang… kopyahan?!


Bawat isa sa atin ay iba’t-iba ang ini-imagine na unang pagkikita sa ating nobyo. Maaring isang romantic encounter o kaya naman ay ipinakilala ng mutu

Ang tunay na happily ever after, ipinakita sa prenup photos ng magkasintahan na ito. Sumasalamin sa realidad ng buhay magasawa.
AGE IS JUST A NUMBER: Mga sikat na mag-asawang artista na nagmamahalan sa kabila ng kanilang malaking age gap.
Mapagmahal na anak, Kiray Celis, pinahanga ang netizens sa ibinigay na Valentine’s gift sa magulang.

Bawat isa sa atin ay iba’t-iba ang ini-imagine na unang pagkikita sa ating nobyo. Maaring isang romantic encounter o kaya naman ay ipinakilala ng mutual friend. Subalit nakarinig na ba kayo ng pag-iibigang, ‘Love at First Kopya’?

Ito ang kwento ng dalawang magkasintahan na sabay nakapagtapos ng pagaaral. Mayroon din silang nakakaintrigang graduation photo kung saan ay may hawak na placard ang babae na may nakasulat na, “Pinakopya ko lang noon, asawa ko na ngayon!”

Mula Kidapawan, North Cotobato Mindanao si Simmeon Nicole Kalantongan at ang kanyang asawa na si Ark. Ibinida ng dalawa ang kanilang wedding ring sa isang graduation photo. Ayon sa pagkukwento ni Simmeon sa GMA News, nagsimula umano ang kanilang kwento noong kolehiyo pa sila ng kanyang asawa na si Ark sa University of Southern Mindanao.

Nagpasya umanong lumipat ng course mula political science to physical education si Simmeon, “Nag-cross [enroll] po kasi ako sa section nila, magka-ibang section po kasi kami at first. First day ng class he asked me if may pinsan po ba ako kasi alam niya na may boyfriend ako, then nag-start na nila kami tuksuhin.”

Sa katunayan ay may nobyo pa si Simmeon noon, at dumating ang panahon na nahuli niya ang nobyo na nagloloko. Nasaktan at galing sa breakup si Simmeon nang makilala niya si Ark na tinaguriang “bad boy campus crush” sa kanilang eskwelahan.

Sa araw ng kanilang pagsusulit sa accounting subject ay lumapit sa kanya si Ark para humingi ng tulong. “He came running towards me, kasi ‘di niya masagutan ‘yong exam niya sa accounting kaya tinuruan ko siya,” pagbabahagi ni Simmeon. Simula noon, ay onti-onting nagkapalagayan ang loob ng dalawa at nauwi sa pagmamahalan.

Isa sa mga nakakabilib sa mag-asawa na ito, ay ang kanilang dedikasyon sa kanilang pagiibigan. Magkaiba kasi ng relihiyon ang dalawa, Christian si Simmeon samantalang Muslim naman si Ark. “We struggled a lot right from the start. No relationship is all sunshine. You have to go through everything that’s meant to tear you both apart, so be each other’s anchor,” saad ni Simmeon.

Nitong July 28, 2021 ay nakapagtapos na ang dalawa sa kanilang kurso at kasalukyang dalawang taon nang kasal. Congratulations sa inyo Simmeon at Ark!

 

COMMENTS