10 Online Food Business para sa mga raketerang Pinoy.

10 Online Food Business para sa mga raketerang Pinoy.


Nangangamba ka na naman ba sa sunod-sunod na lockdown ngayong 2021? Pwes, oras na para gumalawgalaw mars, subukan ang sampung pagkain na ito na pweden

Batang nakakaantig ng puso ang kwento ng buhay, nabiyayaan ng mga regalo at tulong.
Guro na buwis-buhay na naghahatid ng modules sa kanilang mga estudyante ngayong pandemya.
“Maibalik sana natin ang ating pagkadisente at pagiging kagalang-galang”, hinaing ni Sharon Cuneta kay PRD!

Nangangamba ka na naman ba sa sunod-sunod na lockdown ngayong 2021? Pwes, oras na para gumalawgalaw mars, subukan ang sampung pagkain na ito na pwedeng ibenta online.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gyoza, frozen packs, etc (@2moonsph)

1. Frozen Goods

Mainam na magbenta ng frozen goods tulad ng tocino, fishball, French fries o kaya naman ay frozen dimsum kung bet mo ng chinese cuisine. Kinakailangan lamang ay maayos ang iyong pagprepare ng pagkain upang masigurong malinis at hindi madaling mapanis. Siguraduhing may mapaglalagyan na refrigerator para sa mga paninda.

2. Bottled Food Items

Usong-uso ang mga bottled goods tulad ng Gourmet Tuyo, Yema Spread at Spicy Bagoong. Maari rin magbenta ng mga ulam na hindi madaling mapanis tulad ng adobo. Ginagamit na rin ngayon ang mga ganitong items bilang pang regalo o souvenir sa mga parties o kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Purple Scoop PH (@purplescoop.ph)

3. Drinks

Maaari rin magbenta ng mga drinks na nakalagay sa plastic bottle. Maaaring iba’t ibang flavor o kaya naman ay may iba’t ibang sahog. Dahil uso pa rin ang milk tea ngayon ay maaari pa rin kayong magbenta ng flavored milk tea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by FOODTRAY2GO (@foodtray2go)

4. Party Food Trays

Marami sa atin ay sa bahay na lamang isinasagawa ang kani-kanilang events sa bahay. Mapa-birthday, baby shower o kaya naman ay intimate wedding, ay patok na patok ang mga party food trays bilang online negosyo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Frankie’s Online Shop (@kutkutin)

5. Kutkutin (Candies, Peanuts, Chicharon)

Isa ka rin ba sa mahilig sa kutkutin? Marami sa atin ay mahilig manood ng Korean drama o kaya naman ay mga pelikula sa Netflix, kaya naman ay swak na papatok ang pagbebenta ng mga kutkutin. Maaari rin kayong magoffer ng mga packages ng kutkutin kung iba-iba ang hilig ng isang pamilya. Ito ay swak sa mga negosyante magisip ngunit hindi mahilig magluto. Maari kayong mag prepack lamang ng gummy bears, candies, mani at chocolates.

6. Food Packs

Ito ay ang mga pagkain na pwedeng ibenta online subalit madaling mapanis tulad ng ulam, palabok, o mga desserts. Sa murang halaga ay madaling makapagsimula, tulad ng graham balls o kaya naman ay pastillas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Korean Sandwich (@eggodsandwich)

7. Sandwiches

Marami ang nagsulputan na Korean sandwich stores online, kaya naman mainam na huwag magpahuhuli sa ganitong trend. Marapat pa rin na idaan sa diskarte at gawing kakaiba ang inyong produkto upang mapansin ng nakararami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Panic Baking Desserts (@panicbaking)

8. Baked Goods

Kung mahilig ka magbake, ito na ang panahon upang gamitin ang passion at talent sa pagbabake. Kadalasan ay sa flavor at presentation nagkakatalo pagdating sa baked goods.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @grazingbykatrina

9. Charcuterie/ Grazing Boxes

Napapansin ba ninyo ang trend noong 2020 kung saan ay may mga fresh meat, biscuits at cheese sa isang wooden board? Ito ay ang charcuterie na nagmula sa French cuisine. Sa ngayon ay gumagawa na ng sariling bersyon ang Pinoy kung saan sweets ang nilalagay sa Charcuterie board. Maaring pretzels, cookies, biscuits, apples, knickknacks at mayroong dip sa gitna.

10.Food Bouquet o edible bouquet

Dahil araw-araw ay tiyak na may nagcecelebrate ng monthsary, birthday o kaya naman ay may nanliligaw. Laging may market ang food bouquets. Maaring magoffer ng Ferrero bouquet, Chocolate, donut, cookie, sadyang maraming ideas ang maaari sa paggawa ng mga food bouquet.

 

Tandaan na ang pagbebenta online ay kinakailangan rin ng tyaga pagdating sa mga pictures na ipepresinta ninyo. Maganda pa rin na gamitin ang iba’t ibang social media platforms upang ma promote ang inyong negosyo. Sadyang masisipag ang mga Pinoy, ang importante ay may lakas ng loob tayong simulang ang pinapangarap na negosyo.

 

COMMENTS