Bea Alonzo at Dominique Roque, sweet sa kanilang hiking trip sa Yosemite National Park.

Bea Alonzo at Dominique Roque, sweet sa kanilang hiking trip sa Yosemite National Park.


Bagamat nakabalik na sa Manila, ay hindi pa rin makakalimutan ni Bea ang mga masayang moments nang magbakasyon ito sa Los Angeles, California.

Excited na ipinasilip ni Bea Alonzo sa kanyang mga fans ang pangarap niyang makabili ng bahay sa Madrid, Spain.
Ang nakakamanghang larawan ni Bea Alonzo at ng Lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo, mapapa-wow ang lahat sa kanilang pagkakahawig!
Lolit Solis, sinabing mas fresh ang mukha ni Julia Barretto kaysa kay Bea Alonzo kaya ipinagpalit di-umano ni Gerald Anderson!

Bagamat nakabalik na sa Manila, ay hindi pa rin makakalimutan ni Bea ang mga masayang moments nang magbakasyon ito sa Los Angeles, California.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Bago pa man sumalang si Bea sa unang proyekto nito sa Kapuso Network ay nagpasya itong magbakasyon muna kasama ang actor na si Dominique Roque. Makikitang sweet na sweet at nagenjoy ang aktres sa pagca-camping at hiking sa Yosemite National Park. Aminado naman ito na hindi pa nito naranasan magcamping noon at talaga namang isang amazing experience para sa kanya ang maranasang matulog sa isang airstream. “So, I went to see Yosemite for the first time, and stayed in an airstream I have never done camping before for some reason, and though I know staying in a nice airstream is so far from the usual camping.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Tatlong araw din sila nanatili sa Yosemite kaya naman ay mapapansin na sinulit nito ang pamamalagi roon. Iba’t ibang activities ang sinubukan ni Bea tulad na lamang ang hiking at pageexplore sa bawat sulok ng lugar. Ayon sa aktres ay nakakita sila ng batis matapos maghiking at natukso umano itong tumalon na lamang sa tubig kahit na walang baong na damit panligo. Ayon kay Bea, “I thought, I don’t know if this will be the last time I’ll ever have the chance to be in Yosemite and who knows when I can be with this fun group again, so what the heck, I’ll just do it! So, I did! And the water was freezing, but it was so refreshing! Sometimes, it’s nice not to overthink and just live in the moment.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Tunay na nagenjoy si Bea sa kanilang trip subalit mas pinili nitong magtrabaho muna sa Pilipinas bago ang next adventure nito. Ayon sa aktres, “I’m already planning my next trip as I’m typing this. Pero matatagalan pa yung susunod, trabaho muna.”

Marami sa fans ni Bea ang natuwa sa mga kwento nito sa kanyang trip sa U.S. at inaasahan na makikita muli ang aktres sa telebisyon.

COMMENTS