Marami ang mga Pilipino na mas pinipiling magtrabaho abroad dahil sa ganda ng opportunidad at pasahod ng mga ito kaysa sa mga employer sa bansa. May m
Marami ang mga Pilipino na mas pinipiling magtrabaho abroad dahil sa ganda ng opportunidad at pasahod ng mga ito kaysa sa mga employer sa bansa. May mga haka-haka na bagamat mataas ang sahod sa ibang bansa ay may kasama naman itong piligro. Sa mga nakaraang taon kase, maraming kaso ng abuse sa mga Pinoy Domestic Helper ang napapabalita. Subalit, hindi natin dapat lahatin ang mga employer abroad dahil marami sa mga ito ay talaga namang may malasakit at pagunawa sa kanilang mga kasambahay.
Isang video ang kumakalat online na sadyang nagbigay saya sa ating mga kababayan. Makikita kasi sa video na ito na kasabay ng mga foreign employer ang kanilang domestic helper sa hapag-kainan. Sa katunayan ay ang mismong amo pa nito ang nagserve ng pagkain sa kaniya. Ito ay ipinost ng facebook user na si Ashlyn Guiapar Mato. Pagcacaption nito sa kanyang post, “MashaAllah ganito amo ko sakenswerte mo pag ganito amo mo.”
Umani naman ng papuri ang naturang video at maraming netizens ang humanga sa amo na nagseserve ng pagkain sa kanyang mga anak at domestic helper. Tila parte ng pamilya ang pagtuturing niya rito na siya namang kinabiliban ng mga netizens.
Iilan sa mga nakomento ay nagsabing, “kung ganito ang amo q d aq magmamadali umuwi.”
“Bait bait nmn ni baba…ganyan amo q dati,bbigyan muna kami bgo cla kumain..at sa sufra cla kumakain,kmi sa lamesa sa kusina..khit pa pag sa labas kumakain,kmi mamimili pagkain namin..”
“Ganyan ang mabuting Amo.talaga dika itinuturing katulong.icnasabay ka sa oras ng pagkain. Lagi cguro yan nagbabaasyon di2 sa pinas.”
“Ganyan kmi mga katulong sa Kuwait..kami muna pinapakain ni baba at madam at salo salo sa lamesa..Sabi KC ni baba marumi sa sufra my lamesa Naman..ate Riza Diza..da bah ganito cla madam Noh at ating mga alaga..hay..nakakamis na Ang pamilya n un.”
COMMENTS