Ina na proud nakapagtapos sa kabila ng pagsubok na kinaharap, nagsilbing inspirasyon.

Ina na proud nakapagtapos sa kabila ng pagsubok na kinaharap, nagsilbing inspirasyon.


Parte ng ating buhay ang humarap sa iba’t ibang pagsubok. Bagamat mahirap ay ito naman ang naghuhulma sa atin at nagiging dahilan upang mas lalo natin

Ama na nawalan ng trabaho, inulan ng job offers matapos gawin ang bagay na ito.
Ang kauna – unahang Filipino astronaut na makakarating sa Outer Space.
Man makes a living by picking up trash from the sea and makes an artwork out of it.

Parte ng ating buhay ang humarap sa iba’t ibang pagsubok. Bagamat mahirap ay ito naman ang naghuhulma sa atin at nagiging dahilan upang mas lalo nating pagsikapan na maabot ang ating mga pangarap. Kailangan lamang ng determinasyon at pagpupursige na lampasan lahat ng ito upang makamit ang tagumpay.

Isang ina ang nagbahagi ng kanyang matamis na tagumpay sa social media. Ito ay si Ira Lectana Baldonaza na 40 taong gulang at hands on nagbabantay sa kanyang anak. Sa katunayan ay isinasama pa nito sa klase ang kanyang sanggol. Sa kabila ng mga pagsubok na kinaharap ni Ira ay nakapagtapos na rin ito ng kolehiyo.

May be an image of 1 person, child and standing

Hindi naman mawawala ang mga tao na minsa’y kinutya siya sa desisyon niyang magpatuloy ng pag-aaral kahit na 36 na siya. Pagkkwento nito, “It started when I decided to continue my studies despite of my age, 36, at that time. Many people criticized me… sinasabing ‘bakit pa ako nagaaral ang tanda ko na’. I believe that learning is a lifelong process and I really have the determination to pursue my dreams.”

May be an image of 2 people

Hindi nagpatinag si Ira sa mga pangungutya ang ibang tao, subalit sa kanyang ika-apat na taon sa kolehiyo ay nabuntis ito. Tila isa na namang pagsubok ang humarap kay Ira. Minsan na nitong naisip na tumigil na lamang uli sa pag-aaral. Datapwat, ay nagpasya itong ipagpatuloy ang kanyang huling taon sa kolehiyo. Pagpapatuloy ni Ira, “Ok na ang lahat until I got pregnant that time ay 4th year college ako. I want to give up na but some of good people around me pushed me to continue. 4th year 1st semester I gave birth, thought it will be easy for me to continue kasi iiwan sa bahay si baby while I’m at school.”

May be an image of child and sitting

Ang buong akala ni Ira ay maiiwan niya sa bahay ang kanyang anak habang nasa eskwela siya, subalit isang kondisyon ng kanyang baby ang naging dahilan kaya niya kailangan isama sa klase ang anak.  Ayon rito, “But it turned out differently for 2 reasons: 1, my baby don’t like to be feed on formula milk, totally di sya nagdrink kahit gutom na gutom na siya. 2, her NBS result she is a G6PD positive baby, kaya need lang I breastfeed kasi dami bawal (pls ask google for it). Kaya I have no choice kundi isama siya sa school.”

May be an image of child

May be an image of child

Karamihan ng paaralan ay hindi ine-encourage ang pagdadala ng sanggol sa klase subalit napagayan si Ira. Dugtong nito, “I asked the College administrator if pwede isama anak ko, kasi sa school bawal magdala ng babies but since may G6PD sya pinayagan ako. Mahirap sobra pero kinaya ko, and that starts na naging classmate ko anak ko.”

Nakakahanga ang pinagdaanan ni Ira, at nagsisilbi itong inspirasyon sa iba pang magulang na nais pang mag-aral muli. Tunay na importante ang edukasyon dahil ito ang magdadala sa atin sa tagumpay.

Congratulations sa iyo Ira!

Disclaimer: ang mga larawan sa itaas ay mula sa Facebook ni Ira Lectana Baldonaza.

COMMENTS