Mag-fiance ang nag pre-nuptial photoshoot ng parang movie posters, nag viral.

Mag-fiance ang nag pre-nuptial photoshoot ng parang movie posters, nag viral.


Tila marami ang nahuhumalig sa ideya ng pagre-create ng scenes sa kdrama o pelikula bilang pre-nup photoshoot. Maliban sa nakakakilig, ay napakagaling

Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, had their Valentine’s dinner cooked by three little chefs!
Oh my Gulay! Regalo ni Senator Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta, ay bouquet ng gulay.
Dalagang nagbibigay saya kay Jimuel Pacquiao, isa pala sa mga bagong talent ng Star Magic!

Tila marami ang nahuhumalig sa ideya ng pagre-create ng scenes sa kdrama o pelikula bilang pre-nup photoshoot. Maliban sa nakakakilig, ay napakagaling din ng posing ng mga ito. Bawat magkasintahan ay may sari-sariling twist na idinadagdag sa kanilang pre-nup photoshoot para maging mas memorable o mas customized ang mga ito.

Subalit para sa magkasintahan na sina Kathleen Fate Javier at Nikko Panollera, ay naisipan nilang gayahin ang mga movie posters na sadyang napaka-romantic at unique. Talagang mapapabilib kayo sa magagandang shots ng kanilang pre-nup photoshoot. Sa katunayan, ay parang mas appealing pa ang bersyon nila.

Bentang-benta sa netizens ang kanilang mala-‘A walk to remember’ shot. Kabilang na dito ang iba’t ibang recreation ng magkasintahan na, ‘A star is Born’ at ‘The hows of us’. Maliban sa napakaganda ng shot ay may sariling twist ang couple sa kanilang poster.

Ayon sa interview ng DailyPedia kay Kathleen, ay mga paboritong romantic movies nila ang pinili nilang ire-create. Saad ni Kathleen, ““All of it. Those movies are some of our favorite romantic films. We sent the posters to the photographer and he decided with us on which movie posters to recreate.”

Nagsimula umano ang love story ng dalawa noong highschool student pa sila. Isang youth leader si Nikko, at kabilang naman sa youth group si Kathleen. Sa katunayan, ay matagal na palang may gusto si Nikko kay Kath subalit sadyang manhid ito at hindi napansin ang pagtingin ni Nikko. Kwento ni Kathleen, “I didn’t have the slightest idea that he’s giving me some special treatment. My friends at church started saying that I have a ‘Pusong Bato’ because I wasn’t able to discern that Nikko likes me.”

Subalit bigla umanong nanlamig si Nikko at ipinagsabi na may gusto na itong ibang babae. Doon ay narealize ni Kathleen na may nararamdaman pala siya kay Nikko. Kaya naman ay noong 19th birthday ni Kath ay lakas loob itong nagbigay ng sulat kay Nikko na nagsasabi ng kanyang nararamdaman.

Six year later, engaged na ang dalawa patungong, forever. Ayon kay Kathleen, “He invited some of our friends and churchmates for it to look like a regular birthday party. He bought me a pair of shoes as a birthday gift where he hid the engagement ring. He wanted me to wear the shoes right away so he knelt down and offered to help me wear the shoes. I was surprised when he got the engagement ring out of the shoes.”

Viral naman ang kanilang mga photoshoot sa netizens at marami ang kinilig sa kanilang kwento. Talagang mapapa-sana all ka na lamang sa mala-pelikulang love story ng dalawa.

Congratulations Nikko and Kathleen!

 

Disclaimer: Ang mga larawan po ay mula sa Facebook.

COMMENTS