Philippines ang may pinakamalalakas na pambato sa Olympics sa buong Southeast Asia?

Philippines ang may pinakamalalakas na pambato sa Olympics sa buong Southeast Asia?


Kasalukuyang nangunguna ang ating bansa sa paghakot ng mga medalya sa 2020 Tokyo Olympics para sa buong Southeast Asia. Ito ang kauna-unahan sa kasays

Mga gown na gawa ng Filipino designers inirampa sa Miss Universe 2020 pageant.
Risa Hontiveros, iginiit na dapat mas maigi umano na isang education expert ang maging susunod na DepEd Secretary!
Mag-asawang Jinkee Pacquaio at Senator Manny Pacquaio, masaya pa ring nagbakasyon sa Japan at bumili ng mga branded na gamit!

Kasalukuyang nangunguna ang ating bansa sa paghakot ng mga medalya sa 2020 Tokyo Olympics para sa buong Southeast Asia. Ito ang kauna-unahan sa kasaysayan ng Pilipinas na manguna sa leaderboard sa buong Southeast Asia. Sa ngayon ay nakalikom na ang bansa ng isang gold medal, isang silver at isang bronze at isang siguradong medalya mula kay Carlo Paalam na lalaban ngayong August 7, 2021 sa Men’s flyweight boxing.

Tokyo Olympics: Weightlifter Hidilyn Diaz Of Philippines Hailed For Historic Gold | Olympics News

Nakuha ni Hidilyn Diaz na sumabak sa women’s weightlifting, ang kauna-unahang Olympic Gold Medal na talaga namang ikinatuwa ng buong bansa.

Out Boxer Nesthy Petecio Dedicates Olympic Medal to LGBTQ+ Community

Naguwi naman ng silver medal si Nesthy Petecio sa kanyang women’s featherweight boxing samantalang nauwi ni Eumir Marcial ang bronze medal sa men’s middleweight boxing. Secured naman ang silver medal ni Carlo Paalam nang matalo nito ang pambato ng Japan na si Ryomei Tanaka.

Eumir Marcial Photos and Premium High Res Pictures - Getty Images

Kasalukuyang nasa 21st place ang Pilipinas sa talaan ng mga medalya dahil hindi pa nabibilang dito ang secured silver medal ni Paalam. Sa ngayon ay tied tayo sa bansang Thailand na may isa ring gold medal mula sa women’s 49-kg weight class sa taekwondo. Ang Indonesia naman na may isang gold at isang bronze. Ang Malaysia ay may isang bronze sa badminton men’s doubles.

 

Kagulat-gulat naman na wala pang medalya ang Singapore samantalang ito ang madalas na humahakot sa mga nakalipas na Olympics. Kasama nito ang Brunei, Vietnam, Timor-Leste, Myanmar, Cambodia at Laos. Tulad natin ay nagsasaya rin ang bansang Bermuda para sa kanilang kauna-unahang gold medal mula sa Olympics. Hindi man sila Southeast Asian na bansa subalit sila’y maliit na bansa rin. Itong taon ang may pinakamalakas na athletes ang pinadala ng Pilipinas para sa Olympics. Bagamat 19 lamang sila ay nagawa ng mga ito makapaguwi ng karangalan sa bansa.

COMMENTS