Celebrity Wedding: Angel Locsin and Neil Arce, ganap na newlyweds na!

Celebrity Wedding: Angel Locsin and Neil Arce, ganap na newlyweds na!


Mula sa kanilang “Lipat Bahay Gang” vlog ay ipinakita nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang intimate wedding. Nang dahil sa sunod-sunod na ba

Heto na ang nakakakilig na kwento ng love story ni ‘Sir Chief’ Richard Yap at ng kanyang lovely wife.
Barbie Imperial, isa nang ganap na ‘Barbie’ Doll sa kanyang 23rd Birthday photoshoot!
Age is just a number: Celebrities who played roles way younger than their actual age

Mula sa kanilang “Lipat Bahay Gang” vlog ay ipinakita nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang intimate wedding.

Nang dahil sa sunod-sunod na banta na dala ng nakakamatay na virus ay nadelay ang planong pagpapakasal ng dalawa. Subalit ipinakita ng nila sa kanilang latest vlog ang kanilang impromptu civil wedding. Sa dulo ng kanilang vlog ay binaggit nila na kasal na sila, “Oh by the way… since filming this vlog, we decided not to wait and just do it. We got married.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto)

Ginanap sa Taguig City ang kanilang kasal bago pa man naipatupad ang lockdown sa Metro Manila. Tanging sampung tao lamang ang naka-attend sa kanilang kasal kabilang na si Mayor Lino Cayetano na siyang nag officiate nito.

Mapapansin na nakajeans lamang si Angel pati na rin si Neil Arce na nakasweatshirt na puti. Inaabangan pa ng fans ni Angel ang iba pang detalye ng kasal ng dalawa.

Nagpost naman si Angel sa kanyang Instagram ng picture na masayang masaya silang mag-asawa. Naglagay naman ang aktres ng caption ng, “And just like that [heart emoji]. Bukas na yung iba. Namimilipit pa ako sa kilig.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

In attendance naman ang bestfriend ni Angel na si Dimples Romana, na napaiyak pa sa mismong ceremony. Nagbahagi rin ito ng picture na may caption na, “In case you missed the end of their VLOG May we present to you, Mr. and Mrs @neil_arce.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Halos tatlong taon din naging magkasintahan sina Angel at ang businessman-producer na si Neil Arce. Unang lumabas ang usap-usapan sa kanilang dalawa noong 2017 at kinompirma naman nila ito noong 2018. Pagdating ng 2019 ay engaged na ang dalawa. Balak sana ng dalawa na magpakasal noong November 8, 2020 subalit nang dahil sa pandemya ay nadelay ito. Bagkus, nagpokus na lamang sila sa mga charitable efforts para sa mga frontliners at sa pagtulong sa mga kababayan natin na naapektuhan ng bagyo at kalamidad.

 

Congratulations Angel Locsin at Neil Arce!

COMMENTS