Proud son ng isang tindera sa palengke, nakapagtapos bilang doktor.

Proud son ng isang tindera sa palengke, nakapagtapos bilang doktor.


Tila walang bundok ang hindi kayang lakbayin ng isang magalung para lamang sa kanyang anak. Tulad na lamang ng awitin ng SB19 na ‘Mapa’, nabanggit sa

Kiko Estrada, hindi umano pinagsabay sina Devon at Heaven.
Foreign Employer na nagserve sa kanyang Pinoy Helper, umani ng papuri sa netizens.
Customer na dinepensahan ang isang stay-at-home Dad, nagpahayag ng importanteng mensahe para sa mga anak na babae.

Tila walang bundok ang hindi kayang lakbayin ng isang magalung para lamang sa kanyang anak. Tulad na lamang ng awitin ng SB19 na ‘Mapa’, nabanggit sa kanta na, “labis pa sa labis ang iyong nagawa..”. Ganyan talaga ang mga magulang, sila ang bayani ng bawat isa sa atin.

Makabagbag-damdamin ang iniwan na mensahe ni John Nico Ronquillo para sa kanyang ina na nagbebenta ng isda sa palengke. Ang oras, pagod na inilalaan ni Aling Nenita para sa anak ay talaga namang nagbunga. Labis labis nagpapasalamat si Nico sa bawat sakripisyo na ginagawa ng kanyang ina para lamang sa kanyang pag-aaral.

May be an image of 2 people and people smiling

Naikwento ni Nico ang mga sandali nang siyang papaharap sa kanyang board exam. Isang napakalaking laban para sa mga estudyante na nais maabot ang kanilang mga pangarap. Pahayag ni Nico, ay kasa-kasama nito ang ina sa bawat panahon ng paghahanda nito at pagkuha ng pagsusulit.

“Mama, alay ko po sa iyo ang tagumpay na ito.

Sa buong apat na araw ng board exam, kasabay ko syang gumising, kasama ko syang pumunta ng testing center, naghihintay sya sa labas at nagdarasal habang nageexam ako, kasamang nagrereview at gumising sa akin nung mga oras na bumibigay na ako sa antok.

Kasamang sumigaw, tumalon, at umiyak nung nalaman kong pasado at lisensyadong doktor na ako.”

Kinilala naman ni Nico ang bawat sandali na ibinigay ng kanyang ina para sa kanya, para maabot nito ang pangarap na maging doktor.

“Sa tatlompu’t isang taon, Hindi nya ako iniwan, hindi nya ako binitawan, lahat kinaya ni Mama para sa akin. Siya ang inspirasyon ko, siya yung malaking bahagi na humubog sa pagkatao ko, sya yung nagsilbing sandigan ko sa lahat ng oras. Sya yung naging gabay ko.

Ngayon bawat siya ay papalitan ko ng ako.”

May be an image of 1 person, crustacean, food and indoor

Nais ni Nico na palitan ang bawat sakripisyo ng kaginhawaan at ang bawat sakit sa ulo, ng ngiti.

“Ma, ako naman po ang bahala sa inyo.

Akon a po ang magtataguyod sa iyo. Ako na po ang magsisilbi sayo, ako na po ang magaalaga sa inyo, ako na po ang magbibigay katuparan sa lahat ng pangarap mo para sa atin.

Hindi mo po na kailangan mangutang, hindi na rin masusugatan ang mga kamay mo, Ma. Hindi na mawawala ang ngiti sa labi mo.

Ito na po yung pangarap mo para sa akin. Ito na po yung simula ng mas marami pang magagandang bagay na mangyayari sa buhay natin.

Panalo tayo, Ma. Ngiting tagumpay tayo.

To God be the Glory!”

Maraming magulang ang gustong maabot ng kanilang mga anak ang pinapangarap ng mga ito. Higit sa lahat ay sadyang napakasarap pakinggan ang ganitong mga kataga mula sa mga anak. Marami naman ang nainspire sa mensahe ni Nico, at saludo kami sa iyo.

Isa kang ulirang anak!

 

Disclaimer: ang mga larawan po ay mula sa news.abs-cbn.com at socmedtoday.com

COMMENTS