LizQuen, meron pala sanang ka-tambal na bagong love team sa ‘Make It with You’?

LizQuen, meron pala sanang ka-tambal na bagong love team sa ‘Make It with You’?


Mabilis ang galawan sa mundo ng showbiz. May bagong talent ang nadidiskubre sa bawat pagkakataon, kaya naman ay masasabi na hindi pang habang-buhay an

Aktres na si Ellen Adarna ibinahagi ang pagtanggal ng kanyang br3ast silicone implant, “I can now breathe properly”!
Barbie Imperial, ibinahagi ang sweet moments nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga.
Isang sikat na singer, binigyan ng bahay ang Pinay caregiver ng kanyang lolo.

Mabilis ang galawan sa mundo ng showbiz. May bagong talent ang nadidiskubre sa bawat pagkakataon, kaya naman ay masasabi na hindi pang habang-buhay ang karera ng isang artista.

Isa sa mga binigyan papuri ng kilalang director ay si Daniela Gutierrez Stranner na isang Filipino-German actress at 17 taong gulang pa lamang. Ayon kay direk Cathy Garcia-Molina, si Daniela ay “a good actress” at “one of the better ones”.

Bagamat isa nang malaking karangalan ang mapuri ng kilalang director sa industriya, dagdag pa ng filmmaker, “Pag nalaman ng tao at nakita nila kung ano ang kayang ibigay ni Daniela, they would love her, too.” Ganito ka confident ang director sa talent na kayang ipamalas ni Daniela para sa mga manonood.

Labis naman ang pasasalamat ni Daniela sa suporta ng kilalang mentor at director. Saad nito, “That’s really a big deal.”

Kasalukuyang pinaplano ang pagpapakilala kay Daniela sa publiko sa pamamagitan ng pelikula nito na, ‘Love at first Stream’. Si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng kauna-unahang pelikula na pagbibidahan ng dalaga. Ayon kay Daniela, isang ‘dream come true’ umano ang upcoming film. Saad nito, “I’ve been waiting for this moment.”

Star Cinema on Twitter: "Kaori Oinuma, Rhys Miguel, Daniela Stranner, and Anthony Jennings will be headlining the first-ever Star Cinema x Kumu movie! SEE HERE: https://t.co/VJ537cWKYM… https://t.co/aFbP5uk2q0"

Kasama sa cast si Daniela sa palabas nila Liza Soberano at Enrique Gil na, ‘Make it With You’ subalit na tigil ang palabas na ito dahil sa pagdating ng pandemya at sa probelma sa franchise renewal ng Kapamilya Network. Makaka-‘love team’ nito sana ang isa pang newcomer sa mundo ng showbiz na si Anthony Jennings, bilang second love team sa serye. Kasalukuyang under ng Rise Artist Studio si Daniela kung saan ay patuloy itong nageensayo upang mas mahasa ang talent nito. Pagbabahagi ni Daniela, “Hindi kami pinabayaan ng Rise. They gave us workshops. They were still training us. We had our show ‘We Rise Together.’ Hindi kami pinabayaan ng ABS-CBN kahit ganoon ang nangyayari.”

 

 

COMMENTS