Sadyang napakaganda ng pagtatapos ng 2020 Tokyo Olympics at marami sa mga atleta ang ibinuhos ang kanilang makakaya. Tiyak na ang lahay ay naguwi ng m
Sadyang napakaganda ng pagtatapos ng 2020 Tokyo Olympics at marami sa mga atleta ang ibinuhos ang kanilang makakaya. Tiyak na ang lahay ay naguwi ng masayang ala-ala, at bagong motivation para sa susunod na Olympics sa Paris. Sa kanilang pag-uwi, bawat bansa ay naghahandog ng kani-kanilang paraan upang magpasalamat sa mga gifted athletes na narepresinta sa bansa.
Sa bansang Thailand, isang napaka-emotional na scene ang bumungad sa mga bumati sa paguwi ng Thai Taekwondo athlete na si Panipak Wongpattanakit. Nakalaban ni Panipak ang representative ng Spain na si Adriana Cerezo Iglesias. Lamang na si Adriana ng isang puntos subalit nakabawi sa puntos si Panipak at siya ang nag-uwi ng Gold na medalya.
Binigyan ng hero’s welcome si Panipak sa pagdating nito sa Phuket airport at kasama sa sumalubong sa kanya ay ang ama nitong si Sirichai. Nang makalapit si Panipak sa harap ng ama ay agad nitong tinanggal ang kanyang medalya, inipit sa mga kamay at sabay lumuhod sa paanan ng kanyang ama. Iniabot ni Panipak ang medalya sa kanyang ama, na siya namang tinaggap at isinuot. Itinaas ni Sirichai ang kanyang dalawang kamay at nagpalakpakan ang mga kasama nito.
Tinaguriang ‘Taekwondo Golden Girl’ si Panipak sa bansa dahil sa husay nito sa sport. Subalit sa mga panahong iyon, isa siyang mabuting anak na nagbigay pagpapasalamat sa kanyang ama na sumuporta sa kanyang mga pangarap sa abot ng makakaya nito. Pagbabahagi ni Panipak sa panayam ng Bangkok Post, “I am very happy to see so many people here giving us a warm welcome back to Thailand.”
Umabot ng 19 Million Baht (Php. 28.6 Million) ang handog kay Panipak sa kanyang panalo sa Olympics. Ang 12 Million Baht ay mula umano sa National Sports Development Fund at ang 7 Million Baht nito ay mula sa mga pribadong ahensya.
COMMENTS