Luis Manzano, nais umanong pagbutihin ang healthcare sa bansa? Bentang-benta sa netizens ang agenda nito.

Luis Manzano, nais umanong pagbutihin ang healthcare sa bansa? Bentang-benta sa netizens ang agenda nito.


Maraming mga artista ang sumabak rin sa mundo ng politics at hindi na rin bago na ang mga anak ay kadalasan sumusunod sa yapak ng kanilang mga magulan

Sikat na artista, matagal na palang ikinasal sa non-showbiz partner nito.
Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, hayagan na ang pag-amin ng kanilang tunay na relasyon: “Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako”!
BLACKPINK’S Jennie tours fans to her luxurious house in her first YouTube video.

Maraming mga artista ang sumabak rin sa mundo ng politics at hindi na rin bago na ang mga anak ay kadalasan sumusunod sa yapak ng kanilang mga magulang. Kaya naman ay hindi na rin kataka-taka nang mapagusapan nila Batangas Representative Vilma Santos-Recto at anak na si Luis Manzano ang topic ng pagpasok sa pulitika.

Sa isang video post ni Luis, ibinahagi nito ang paguusap nila ng Ina kasama ang asawa nitong si Jessy Mendiola. Tila nagsimula na sa gitna ng conversation ang video subalit malinaw na malinaw pa rin na sinabi ni Luis ang kanyang mga plano kung sakali man na tatakbo ito.

May be an image of 3 people and people standing

Inamin ni Luis na nais umano nitong magpokus sa healthcare ng bansa. Approve naman dito ang Ina at panay pa ang tango sa sinabi ng anak. Talaga namang importante ang healthcare at nararamdaman ang importansya nito ngayong panahon ng pandemya. Subalit nang isa-isahin na ni Luis ang kanyang plano, nagbago ang seryosong mukha ng Ina. Natatawang hinampas nito ang anak, at sabay humingi ng paumanhin subalit tuloy pa rin sa pagtawa. Mapapansin rin sa background na natatawa rin si Jessy sa mga sinabi ni Luis.

May be an image of 3 people and people standing

Binanggit ni Luis ang agenda nito sa pagpapabuti ng healthcare sa bansa. Ayon rito ay, “masakit pa lang ulo mo, naka wheelchair ka na. Aalagaan ko ang kalusugan nila. Masakit ngipin mo? Cremate na!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano)

Marami namang netizens ang natawa at nagbahagi ng ilan pa nilang opinion na maaaring ipatupad ni Luis. Ang ilan ay pabirong nagdadalawang isip na iboto ang actor. Ilan sa mga komento ay:

“Papasok ka pa lang ng hospital, may death certificate ka na.”

“Wala ng sasakit ang ngipin niyan.”

“Pinakawitty na plataporma na narinig ko so far.”

“Umubo pa lang libing na.”

“Magpapacheck-up kapa lang, admitted ka na.”

“Mabubuhay ng matagal ang mga bungal.”

“Nasa ER ka pa lang, may lapida ka na.”

May be an image of 1 person and text that says 'yeng 2d 192 likes Reply heyimalefha Papasok ka pa lang ng hospital, may death certificate ka na 2d 468 likes Reply View replies (54) jayda 2d 137 likes Reply jackie_forster Sakit ng Tyan ko 2d 124 likes Reply'

May be an image of text that says 'arjaydetorres Pinakawitty na plataporma na narinig ko so far 2d 42 ikes Reply fashionnweddings Bawal magkasakit 2d 37 likes Reply View replies (1) marijoylittlebit Wala ng sasakit ang ngipin nyan. 2d 37 likes Reply jenelynnochite hahahaha'

Samantala, nilagyan naman ni Luis ng caption na, “Kung sakali man na ako’y tumakbo, eto nasa agenda ko.” Umabot naman ng 785k views as of writing ang video ni luis sa Instagram. Madalas talagang magpatawa si Luis na siya namang ikinatuwa ng mga netizens.

COMMENTS